Thursday, April 2, 2015

Somewhere Not Over the Rainbow

"Maselang bahaghagi sa aking isipan, wag kang mabahala, di kita malilimutan, paglipas ng ulan ay mapapangiti ang araw, wag sana mawala ang..."

Nabihag akong muli ng bahaghari.

Sa tinagal-tagal na panahon, sa dinami-dami ko nang nasabi sa blog na ito in the past, I am about to say the same thing.

Ikaw nanaman. Heto nanaman. Hindi na ako makaalis sa landas mo. Para akong isang preso na willing bumalik sa kanyang selda nang walang pumipilit.

Isa yan sa madami kong narealize kagabi.

Sorry, ang gulo gulo ko kamakailan. Hanggang ngayon hindi ako settled. Tinatanggap ko na lang yung fact as of the moment na leaning ako towards you rather than yung alam ng madami.

Again, go with the flow. No pressure. Enjoy what we have. Ewan ko. Ito na yata iyong pinakamalapit na place na narating ko patungo sa'yo. Kaya, hindi ko maiwasan malet go kasi ito yung gusto makamit ng past self ko. Hi past self, I'm doing fine. I'll try not to screw things up. Though, ang hirap.

Bahala na. Long way to go pa ito. Madami pang magaganap. Kahit itong current self ko, magiging future past self  din ng future self ko. Hi future self, hindi ko mapredict kung ano gusto mo pero inaasa ko na sa iyo to. Good luck!

No comments: