Pinagbakasyon ko muna si feelings. Hindi ko inakalang isang araw kakatok siya muli. Either tinopak lang ako isang gabi, o legit itu kasi nagsurvive siya ng bakasyon.
Hindi siya nagsurvive ng bakasyon, nabuo siya. Hindi ko naman siya iniisipan ng ganoon dati. Pero ayon, mag-iisang linggo na simula noong tinopak ako at bigla kitang namiss.
Topak lang siguro talaga. Pero basta ganito yung nangyari.
Hindi ito si Mr. Clean. Appreciative lang ako at chaka talaga feelings ko para sa kanya. Nakarelate lang ako sa kanya one day tapos, tapos na. Interesado lang noong una pero wala talagang nabuong solid na feelings.
Lumuwas ako para magparecheck. Pumasok ng EEE, at naalala kita. Nagflash ang lahat ng memories in one blink. Hindi ko nanaman madistinguish, o madefine iyong nararamdaman ko. Lagi na lang ganito. Juice colored. LOVERAGE! Hindi ako sure kung love pero sure ako may rage. Para akong lasing noong araw na iyon. Nasa byahe ako pauwi at sobrang nagugulumihanan. Hinahanap kita ng hindi ko napapansin. Longing. Masakit. Uhaw. Baliw. Tanga.
Miss lang talaga kita hanggang ngayon. Hindi ko nga lang alam ano gagawin pag nagkita ulit tayo. Kasi wala naman tayong mapag-uusapan. Nung bakasyon nga eh hindi kita magawang gambalain kasi sino naman ako di ba? Gusto lang talaga kitang kausap. Gusto ko lang talaga iyong company mo. Lagi mo akong pinapasaya. Legit. My diliman world is not as dilim as it were. Iba ka kasi. Kaya mong magtrespass sa boundaries na sinet ko ng hindi ko namamalayan. JUSMIYO! NALILITO AKO!
Ito na siguro ang isa sa pinakaweird na sitwasyon ko ever. Bago pa man magkaroon, naisip ko na kasi. There is a thin wall between us, a thin impenetrable wall. Wala. Bukod sa wala, hindi pwede. Everytime nagtatanong ang puso ko, kinakadena siya ng mundo.
Untouchable star. Get close and get burned. Just look at them shine from afar. It's not about deserving one, you really just can't have one.
Pag sana nagkita tayo, masagot ang mga tanong ko sa sarili ko. Pero ayon. Please, even if I can't touch you, I wanted to be as close as I can. In other words, let us remain friends. Please, even if I can't have you, I don't want to lose you.
In fairview ha! Sinusulat ko lang ito pero sakit na sa dibdib. Legit yung kadena talaga. Partly nakakainis kasi parang inaamin ko sa sarili ko na such feelings exist. Huhu. I don't want to fool you. I mean, gusto ko talagang maging friends tayo. Nakakalungkot kasing isipin na tapos na, if ever. Basta iyong feelings ko hindi naman sure. I mean, nung una wala talaga akong naiisip na ganoon. Sumagi lang noong may direktang nagtanong sakin kung meron. At hindi ko na maalis sa isip ko iyong tanong na "Meron nga ba?"
Huhu. Hindi ko naman sobrang kilala sarili ko. Pero sure akong ang tanga tanga ng ginagawa ko. At mas tanga pa kasi alam ko nang ganoon hindi ko pa masolusyonan. Umamin kaya ako na naguguluhan ako? Haha joke. Ang hirap noon. Ang weird noon. Para kong sinaksak ang sarili ko. At baka hindi mo na ako kausapin forever. Walang forever pero baka dahil doon magkaroon.
HAHA. Sana hindi ka bored at biglang mapadpad dito at mabasa mo ito. If nabasa mo, sana hindi mo maisip na ikaw. Pero on the first place, sa tingin ko naman hindi mo maiisipang tignan. :))
For the Nth time, bahala na. :)) And I miss you :))
No comments:
Post a Comment