Ang sabaw ng una kong post tungkol sayo. Hindi ko alam. Nung binasa ko ulit, ang sabi ko na lang "WHUUUUT?!?!"
Anyway, wala pa akong naisip na tag para dito. Saka na. Edit ko na lang. Pati nga title ng post ko eh, ang random. Sorry, after effect siguro sa akin ng CoE 123 Exam. Pero bukod dun, kasi water, tapos shed, gets mo na yun.
ANYWAY ULIT, siguro dahil sa kakarelate ko sa iyo sa bodies of water, required na ata na ang post ko related sa iyo ay sabaw. HAHA.
ETO TALAGA, seryoso na.
Alam ko naman na eh. Sinabi mo from the start. Nilinaw mo ang never-ending line sa gitna nating dalawa. From that moment, sabi ko na walang patutunguhan ito. Pero wala pa din, di tumalab ang mga babala ko sa sarili at nagtuloy pa din ang damdamin sa kanyang kahangalan patungo sayo.
Tapos dumating ako sa point na hinahanap na kita. Hindi ko mapigil yung sarili ko tignan ang presence mo at hintayin ka matulog. Ano yun, routine? Well, di naman lagi. Di kita laging gusto. Pero ayon minsan, tulad ngayon. HAY NAKO! Balita ko kasi, kahapon nakapagdecide na akong iwasan ka or ilimit na yung atensyon ko sa'yo. Pero pusang gala ang hirap.
Ngayon nga eh, hindi ko alam. Feeling ko sumosobra na ako kaya naisipan kong itigil na. Pero naiisip ko pa lang na gagawin ko, bigla kitang naiisip, biglang parang hindi ko kayang gawin, lalo na ngayon, minsan na lang kita makita.
Seryoso, nakakamiss. At nakakainis kasi nakakamiss. Akala mo andami nang pinagdaanan eh pero wala naman talaga at feeling ko wala talaga akong karapatan makamiss o makaramdam ng kahit anong extreme feelings para sa iyo. At naiinis ako sa sarili ko dahil doon.
BAKIT GANITO! Bakit ang hirap? Bakit may kirot? Bakit?
BAHALA NA!
Matatapos na ang sem. Baka makalimot din ako sa bakasyon. Pero sana wag na maulit yung dati na lumala pagbalik. HAHA.
Mapaglarong tadhana, ano bang gusto mong mangyari? Bakit tayo gumagawa ng mga bagay na nakakasakit sa sarili?
Sorry dahil nahuhulog ako sa iyo, hindi ko sinasadya. Sorry sa lahat ng abala. Sorry kung hindi ko din kaya maging enough para sa iyo. Sorry kung hindi ako ang kailangan mo.
Sa sobrang kakaisip ko sa mga bagay na ito, nagimpulsive sama na lang ako sa fieldwork kahit na may exam ako sa lunes. Magpapakalunod na lang ako sa dagat doon. Ilulubog ko kasama ng feelings ko para sa iyo.
Sa sobrang kakaisip ko sa mga bagay na ito, nagimpulsive sama na lang ako sa fieldwork kahit na may exam ako sa lunes. Magpapakalunod na lang ako sa dagat doon. Ilulubog ko kasama ng feelings ko para sa iyo.
HAY! Mag-aaral na nga lang ako.
No comments:
Post a Comment