Monday, June 26, 2017

InstaPoem

So may random akong kausap and nachallenge ako na gumawa ng short verses instantly haha. Eto yun.




nothing can ever equal your love for thee
but can you leave some for me
me, a friend that you see
but i can be more if you want me to be



the risk is for me to take
but the decision is for you to make
but if our friendship is at stake
i'll be strong for your sake



acads muna
gusto ko ng century tuna
pero pag tinanong ko ano gusto mo
alam ko, di ako ang una

Thursday, May 19, 2016

Pokemon

All I want is for someone to choose me over anybody.


And that, my friend alone, makes me happy. Thank you for always choosing me. Thank you, regardless if I choose you first. (Even if I'd really choose you first, too.)

*So Mag 1 year na pero di ko pa din natapos tong post na to HAHAHA di pa kasama doon yung tagal niya sa drafts kklk*

So yeah. My soul evolved through time. My feelings for you went with it. From day one, there have been multiple changes on how I see things and how I see you.

May phase na happy crush lang. May phase na galit na galit ako sa sarili ko na gusto kita. May phase na confused ako kung sino ako at ano gusto ko. May time din na go with the flow lang. May time naman na kaibigan lang talaga ako sa iyo. May time na wala akong nararamdaman. May time na ikaw ang number 2. May time na gustung-gusto kita at di ako papapigil. May evolution ng feelings na tipong ayaw kong mawala ka. Nung una kong sinulat ito, masaya lang ako sa kung anong meron tayong friendship. Pero ngayon, nasa phase ako na parang nawawala-wala na.

Ito na ba talaga? Move on na ba talaga? Final evolution na ba ito? Abangan.

To the One

I'm sorry.

I'm sorry for stalling and going in circles.
I'm sorry for not searching so hard.
I'm sorry for not trying.
I'm sorry for being stuck with the wrong person all the time
and settling.
I'm sorry for not noticing you, if ever.
I'm sorry if I was too early.
I'm sorry if I am too late.
I'm sorry for giving out everything that I should be giving you to others.
I'm sorry for waiting.
I'm sorry for being impatient.
I'm sorry for not knowing you.
I'm sorry for making plans without you.
I'm sorry for sometimes thinking you weren't coming.
I'm sorry for getting tired.
I'm sorry for asking this:

"Kailan ka ba darating?" :(

Friday, November 13, 2015

MADAMING GANAP

sa loob ng isang linggo (at installment ang pagsulat ko nito kasi tuluy-tuloy ang buhay kaya sobrang sabog nito for sure), ANG DAMING GANAP!


Una, bumalik ang ulan, ngunit hindi na siya tulad dati na parang bagyo.

Sabi ko nga sa kalangitan na wag saking ipamukhang may tadhana dahil baka maniwala ako.  Pero heto, sige pa rin siya sa pagpapaniwala sa akin na may forever.

"kalimutan mo na yan. hindi ka niya mahal." sabi nga ng katabi ko ngayon. Pero heto, hindi man ako umaasa, ay hindi naman din ako makalimot.


Dapat talaga nagsusulat ako ngayon ng write-up. HAY NAKO. pero heto ako kung anu-ano ginagawa ko. Hahaha. Nakakatawa. Pinagawa mo pa ako ng write-up, eh, hindi ko alam kung anong isusulat ko. Or nakakatawang ang dami ko nang blogpost tungkol sa'yo at hindi kita magawan ngayon ng write up. Kuha ka na lang kaya ng isang post. :)) Joke lang. Pero swear, natatawa ako habang iniisip ko kung ano isusulat kong topic haha. (Friday ko ito nasulat at supposedly Saturday yung deadline pero namove ng Monday. Mga sentences after nito, mga after 2 weeks ko na nasulat kaya nag-ba na yung thought.)

NagYOLO night pa ako at hindi ko nagawa yung write-up ng Friday. Sino kasama ko? Nostalgic nga eh. Karamihan sa BERKS kasama. Okay naman. Masaya naman ako. Nagstarbucks after at Mcdo hanggang umaga at boom kung anu-ano nasulat ko. Nung mag-isa na ako sa Mcdo para akong tanga sa public kasi naiyak ako nung may nabasa akong mensahe ng kaibigan kahit na ang sabaw-sabaw. Nostalgic talaga eh. Yung kahit na di talaga maganda memories ko kasama ang berks, eventually hinahanap mo din. Ewan. Ang dami din kasing nagbago sa akin at hindi ko maiwasan isipin yung what if itong Kay-anne yung nakasama nila. Regardless of that, masaya ako na may kaibigan ako na tinanggap ako regardless ng multiple transformation niya at ako.

Anyway, nasulat ko naman yung write-up at tinanggap ng mga tao yung mga sinulat ko. Well yung isa naging honest ako ng kaunti at pinabago niya haha. Yung isa pa parang nagtapat na ko pero binago ko na din kasi ang boring.

ANYWAY, balik sa first part ng linggo. Napaisip ako sa future ko in so many perspectives. Inisip ko lang ulit mga nangyari buong linggo kasi noong buong weekend halos magkulong lang ako sa kwarto na ang kinakain lang ay ang inimbak kong pandesal. Hindi ko na talaga alam. Nag-eexist pala ang mga trabahong sa labas ng academe na possible na magustuhan ko. Napaisip tuloy ako kung magwork ba ako next sem or mas mabuti bang magchill kasi buong buhay ko naman magtratrabaho naman ako. (Decision kong ito regardless ng ulan. Mabilis din naman nawala yung feeling. Nashock lang ako sa ulan.)

Same thing sa takot ko sa elevator. Takot ako sa nararamdaman ko. Takot akong mareject. Takot ako in general. Buti na lang nakakalmado ako kapag andiyan ka. Pwede bang forever ka na lang dyan? Mas takot akong mawala ka. Kaya from time to time, bigla bigla akong nagcocompose at nagschedule ng dapat sasabihin ko sa iyo dahil gusto kong maging honest. Pero kasi pag kasama ko talaga yung mga certain people na yun nadidiscourage din ako. Sobrang nalulungkod ako pag nabribring up nila yung topic. Haha. Hindi ko naman maexplain sa kanila.

Paano ba? Ewan ko. Basta yan naisip ko nun. Bahala na si Carly Rae magexplain.

Saturday, September 26, 2015

Why on What Ifs

Why am I feeling guilty about this? I mean, Why do I feel that I am cheating on someone? In the first place, I don't have someone to cheat with, and second, I don't have someone to cheat on. It's just some photo. Yes, I want to have one of it with you. But, but, he's my best friend. I feel like I'm being super inconsiderate and selfish here. But. But.

I don't even know, will I regret it? Maybe. It's not yet happening anyway.

Why am I remembering you in The Cab playlist (or with other songs that can be found in my lost phone)? Why am I being reminded of that old feeling? I mean, I still like you now but I like you differently now. Why does this have to surface again?

Why am I composing what to say to you when I know it will never reach you? Why am I planning to confess when in fact, I'm not planning to? Why will I ask you out on the first place? Why does the mere fact of thinking about it, hurts? I didn't even notice that a tear was already falling down my face. How embarrassing!

I know why I can't forget you. But why do I think this far ahead? It's not really ahead, since we won't get there. We won't get anywhere. Why do I always end up thinking about things that won't happen. It's somewhat frustrating, you know.

What's new?

One told me, "ang laki ng epekto ng crush mo sa buhay mo." Another told me, "masyado ka laging available para sa kanya." NV.

They are right. I can't stop my life to revolve around the person I like. They are right. I'll always be here for you as long as I can. Believe me, it's not really a choice. It's more of a habit. It's more of an unstoppable force inside me. It can't be helped. As absurd as it may seem, I need you now. Even this long weekend is killing me. I want to see you so badly. AND WHY THE FUCK AM I CRYING AGAIN!?! I didn't even notice.

I'm literally crazy for you.

And I didn't want you to know any of it. I don't want to lose you. But about to have our separate ways soon and who knows if we're going to be like this then.

And so I'll be thinking ahead again and say "advance I'm going to miss you" if that day comes.

Wednesday, September 9, 2015

Riot

Sa gitna ng katahimikan, may umaalingawngaw na kaguluhan. Hindi ito nakikita ng mata, sapagkat ito'y nasa kaloob-looban.



FRIEND! ANG HIRAP!

Alam ko sa sarili ko na kaibigan lang kita at ginagawa ko yung pagiging kaibigan. Alam kong wala lang to sayo at alam ko na pag sinabi ko baka gumuho mundo ko pero friend ang hirap pa din pala!

Ilang beses na akong muntik sumabog or something pero in the end i remain silent and composed pero deep inside, RIOT!

Swear, gusto kong maging isang legit na kaibigan for you pero tanginang feelings to! Paano ba sila patahimikin! Okay na kong ganito eh, masaya na ko sa ganitong set-up.

Hayayayay! Sana magkaroon ng kahit kaunting katahimikan ang damdamin ko. Pero sa muli, masasabi kong masaya ako.


Tuesday, September 1, 2015

JUICE COLORED

At syempre kung kailan cramming at hectic ang schedule, doon magsusulat ng bagong kabanata ng buhay. Tunay ngang kay rami rami kong panahon. At anong gagawin ko dito? Wala kundi pawang mga paglalahad ng sarili kong mga kahangalan.

Usually kasi, I mean, recently, masaya na ako lagi. As in walang nakakapigil sa akin. Pero yung mga mas recently, daig ko pa ang RF signals sa bilis ng voltage swing. Literal na nakangiti ako at wala pang five seconds ay matatakpan na ito ng inis at di ko man lamang namalayan na nawasak ko na yung plastic container na hawak ko. Pero masaya pa din ako, kahit papaano.

Mas madali lang ako madisappoint recently at hindi ko sure kung bakit. Naisip ko na ang root lang naman ng disappointment ay expectations that were not met so probably, I was hoping for something that I can't get. In short, ang tanga tanga ko.

Ewan ko. Mainisin ako recently pati. Naneuneutralize niya yung happiness ko. At puyat ako ngayon kasi maaga akong gumising kanina tapos natraffic pa din. Nafeefeel ko yung bigat ng eyelids ko at yung lalim ng circles sa ilalim ng mata ko.

Tapos, wednesday pa bukas. Ayaw ko ng wednesdays :< Wala kasi akong friends masyado. Tapos basta hassle pag wednesday. Let it be any other day but wednesday :<

JUICE COLORED SANA MATAPOS NA TONG WEEK NA TO GULONG GULO NA UTAK KO. Sana din matapos na yung kabilaang batikos ng mga tao sa isa't isa dahil ang hirap pumagitna. Ang hirap na naiintindihan mo both sides at ang hirap na manahimik. Ang hirap din magsalita. Ang hirap gumalaw, nakakasakal. Ang hirap ng hindi mo alam pananaw mo. Ang hirap lang talaga. UGH.

Stress.

I mean di pa sobrang laki na stress pero ngayon lang ulit ako nakaranas ng ganito for some unknown reasons kasi walang binanbat yung pinagdaanan ko in the past dito. Wala pa ngang nangyayari bakit ba stressed na ko.

Malay.

Magiging maayos din lahat. Sana. Hai.

Pasensya ka na sa mga walang katuturan kong mga reklamo sa buhay.