Monday, August 25, 2014

IMPULSE: After 2 AM (Part 11)

Mananahimik na sana ako.

Pero ayun, nung isang araw, nagising akong galit na galit sa mundo. Saksi ang mga rommates ko. Bakit kasi sa lahat ng mapapaniginipan ko ikaw pa?

Ganito kasi. Ang saya-saya ko sa panaginip na parang dream come true. Ang saya-saya kong kasama ka daw. Oo, napakasaya ng panaginip ko. Kaya nga napakalungkot nung magising ako. "Panaginip lang pala", bulong ko sa sarili.

Mananahimik na sana ako pero naistorbo ang natutulog kong damdamin. Haha, charot.

Pero seryoso,

you. bitch. dream.

Huwag mo na guluhin itong stabilizing state ko.

Saturday, August 16, 2014

Final Value Theorem: After 2AM (Part 10)

Limit approaching you. Well, di ko masabi kung towards steady-state na ito. Pero may bagay na medyo sure ako.

Una, di na ko nagseselos to other people. Hindi na ko gaanong kaaffected sa mga ganap at gawa ng external forces.

Pangalawa, naprove ko, after more than a week, may feelings pa din ako para sayo.

Well, well, biruin mo yun. Pero ayun, okay na kong friends tayo. Okay na kong nakikita ka sa klase. Okay na kong nag-uusap tayo. At kung ano man ang kahantungan na feelings na to. Maging unstable man at magapproach ng infinity amplitude, or magdecay to zero, or magstay sa certain value, medyo sure akong magiging okay na ako from now on when it comes to you. Anyway, sorry, susulitin ko pa din yung mga sandali with you. Magsasabi ako ng iba't ibang tao na kunwari gusto ko pero ang totoo, masaya ako tuwing andito ka sa tabi ko. :)

Sunday, July 20, 2014

Lifetime Investment

Today is another day.

Yeah. It has been like forever  but I won't forget things even if I have to repeat the same story for you because you have that goldfish memory.

I'll make it short. There aren't anything I regret about us. If there is, that will be the time that I denied, refused to have you. Second, is the time I attempted to replace you. I'm so happy it didn't turn out that way.

Well, now, I think I am investing more than I can offer. I am giving away more than I could handle. This is the point of no hold backs, no U-turns, no rewinds. All out. All in.

I put every bit of faith in our friendship. I have the highest hopes it will last a lifetime. You are one of the only few things, I hold on to. I'm happy about it.

Please, never let me down, and I promise, I won't.

Monday, May 19, 2014

A Little Too Ironic

Who would have thought it figures?

Sobra sa lamig. Sobra sa init. Tignan ko lang kung hindi ka magkasakit sa pabago-bagong kondisyon ng damdamin mo. Hindi ko maintindihan talaga ang takbo ng utak ng ilang tao. Kahit na, simula elementarya ako, wala na akong ginawa kung hindi pag-aralan ang daloy ng pag-iisip ng tao. Sa huli, magkakamali at magkakamali pa din ako.

Pabago-bago kasi, bukod sa ideya na iba-iba ang ugat. Iba-iba kasi ang tao, at iba-iba din ang sitwasyon, at isa pa, iba-iba din ako sa iba't ibang panahong hinaharap ko ang mga ito. Kung iisipin, marahil pati ang pananaw ko noon at ngayon ay iba, at maaaring ito ang may pinakamalaking epekto sa aking pagpapasya.

Pero ako pa rin ako. At ikaw pa din ikaw. At ang mundo ay mananatiling ang mundo at patuloy lang na iikot kahit ano pa mangyari, kahit ano pa ang aking mapagdesisyunan. At siguro, kahit pumili ako ng pumili ng gagawin, magplano ako ng magplano ng kinabukasan, hindi maiiwasang hindi ito masunod dahil sa mga bagay na hindi inaasahan. "Pagkakataon" daw. Oo, mahirap man tanggapin, gaano man tayo kaagap, isang malaking porsyento ng resulta ay galing talaga sa pagkakataon. 

Pinag-aaralan namin maigi yan. Isang buong asignatura yan. Sa iba, buong buhay nila ang inilalaan nila para sa pag-aaral ng mga pagkakataon. Nakakatawa lang kasi, ano nga ba ang pagkakataon na maintindihan nila ito ng buo.

Teka, maintindihan itong pagkakataon ng buo. Oo nga pala. Hindi din tayo sigurado kung totoo itong pagkakataon na ito o nakatadhana na ang lahat mangyari. Wala ding paraan upang masabi. Minsan, ang sakit lang isipin na ganito tayo at susunod lang sa daloy o gagawa ng daloy na hindi natin alam bakit mayroon.

Ano nga ba ang meron? Ano nga ba ang wala? Meron nga ba o wala? Paano mo masasabi na nandito talaga tayo sa mundong sa isip nating ginagalawan natin? Paano kung sinasabi lang talaga ng utak mo na ito ang totoo? Ano nga ba ang totoo? Totoo o peke? Paano mo masasabing peke ang peke kung mukha itong totoo? Hindi ba parang totoo na din yun? Tama? Ano nga ba talaga ang tama? Sino nga ba ang nagdidikta ng tama? Ang tama nga ba ay laging tama at ang mali ay laging mali? Bakit ang dating mali ay tama na ngayon at baligtad?

Ginugulo ko lang ang utak mo. O kaya, magulo lang talaga ang utak ko at kinailangan kong ilabas ang mga tanong na habambuhay kong hindi masagot. Lagi na lang iisipin. Lagi na lang tatanggapin.

Basta, sa huli, gagana din ang lahat at iikot pa din ang mundo kahit wala ang tulong mo. Lilipas din ang panahon, at makakalimot din ang mga tao kahit na maiwan ka sa gitna ng pagkakataon.

Overload: After 2 AM (part 9)

Ang sama lang ng pakiramdam ko ngayon at mabigat na ang eyelids ko pero masyado kong namiss ito. Long time no session.

OVERLOAD. Kapag mabigat na at gusto mo na bitiwan. Kusa na lang mag-ooff.

Masaya naman ako. :) Kasi nawala na lahat ng conflict na alam ko as of this moment. Well, update lang, hindi ko nasabi. :) Kahit gaano kacasual ng nasa isip ko hindi ko nagawa. Parang dumating na lang iyong time na okay na lang ako at bahala na kung masabi ko at hindi kasi parehas lang iyon sa iyo. Meanwhile, sa process kasi ng engot stage ko, may iba pa akong napahamak. Hay. Iyon talaga eh. Isa sa mga dahilan bakit nakakawalang gana ang sarili. Nabagabag nanaman ako ng higit-kumulang isang buwan kakaisip ng mga bagay-bagay. Pero buti na lang, napapag-usapan. 

Ayon, akala ko okay na ulit. Nawala na iyong awkwardness ko doon sa taong iyon pero pinaisip, pinareevaluate nanaman niya nararamdaman ko sa iyo. Hindi ko naman pinagkakaila mga sinabi niya. Pero iyong mga sinabi ko sa kanya dati still holds true. "Bakit pa?" 

Kung may gagawin naman ako na alam ko wala namang magiging epekto, bakit pa? 

Hindi ito pagiging emo shit ha. Nagpapakatotoo lang. Legit talaga na gusto ko lang na maging friends tayo. Nothing more, nothing less. Swear, nawawala-wala na iyong kahibangan ko kaya mas okay na. At alam ko naman sa sarili kong magdidisappear. Hahaha! Hinihintay ko lang kasi kusa lang siya at hindi mo mapipilit mawala.

Kahit anong baon gagwin ko, kung mananaliting buhay, lagi mo din yang hahalukayin. Dalawa lang iyan. It's either, iunderexpose ang sarili hanggang sa mawala, o ioverexpose ang sarili hanggang sa mawala.

Hai. Nakakahiya pa din ang gulong ginawa ko. Hindi ko ineexpect iyon sa sarili ko. Sana maregain ko tiwala ng mga tao.

Pero alam mo, nanghihinayang ako sa dalawang buwan na ito. Hindi ko lang sure kung alam mo kung bakit. Pero ewan, basta masaya ang lahat!

Sunday, March 9, 2014

Sparks: After 2 AM (part 8)

Ang puso kapag may matinding feelings, tumatakbo na parang speed of light, kaya siguro tinawag na "sparks".


"Head over feels. Head over feels. Mind over matter. Head over feels" Ito na lamang ang lagi kong sinasabi sa sarili ko. Isang excuse para sa kaduwagan ko para harapin ang mga bagay na hindi ko kayang harapin at aminin ang mga bagay na di ko maamin.

Pero ngayon, taliwas sa mga sinabi ko sa past, heto ako ngayon, susubukang harapin ang problema kong ito. Ano pa bang sense? Kahit magforward or backward ako, parehas lang na may sakit.

Ewan ko. Kapag naramdaman mo itong sparks di mo talaga sure kung gaano kalegit, pero enough para sabihing may naramdaman ka at huwag mo ito ipagkakaila. Iyon na iyon, impulse para gumawa ng katangahan taliwas sa head over feels na iyan. Impulse na nagdidistinguish ng conviction at preference. Impulse para makapaggather ng strength, ng courage that you didn't know you have. And yes, I wanted to tell you despite all the risks and restraints. I wanted to tell you this.

I don't know about tomorrow, but at least I know that I like you now.

And I guess not only now but for a while now. And, I'm not expecting anything in the future. I just want to tell you so that I can let go of this large baggage. If you are happy with another person, it's fine, or at least I'll be trying my best to be fine.


Saturday, March 1, 2014

After 2 AM (part 7) (at may halong ibang bagay)

Ugh! Ang sakit sakit pa din. Taliwas man sa sinabi ko sa huling After 2 AM session, nilalabas ko lang ang honest feelings ko.

Sa kada semestre na dumadaan ang event na ito, may nangyayaring nakakaapekto sa akin. Natrauma na nga ako eh, kaya sabi ko hindi na lang ako pupunta tulad nung mga past sems. Isang hinanain ko diyan eh, pagkatapos, laging wala akong mapuntahan. Ganoon lang siguro talaga ako kamalas. Ganoon lang din siguro na nagkakataon na sa tuwing araw na iyon nangyayari. Himala nga may sinamahan ako ngayong gabi. Ipinagpalit ko pa sa isang mahalagang event the next day, na kapag pumalya ay maaaring ikasira ng kinabukasan ko. Pero may kaunting trauma pa talaga ako kaya hindi ako masyadong nakihalubilo. Anyway, gusto ko lang inote yung NAKAKABADTRIP NA GUARD NA HINDI KAMI PINAPASOK NG LAMPAS ISANG ORAS. EPAL MO!

Okay. Seryoso na. I'm getting a little bit ahead of myself. Sorry talaga. Hating-hati iyong buong atensyon ko buong gabi. Mga mata ko na nakatingin sa harap pero ang pakiramdam at isip ko, nasa likod. Dinistract ko na lang sarili ko. Mali talagang magreact ako, alam ko. Kaya sorry talaga. Gusto ko lang ilabas ng kaunti. Wala akong balak mamigil ng kahit ano o magpush ng kahit ano.

Masakit lang talaga na makita.

Pero pangako, makakaget-over din ako. Pramis.