Monday, December 31, 2012

Start Of The World

Ayan, sa sobrang katamaran ko magblog nalagpasan ko na ang "End of the World" post ko about last sem pati ang super birthday blogpost ko.

Well, di naman siguro sa tamad talaga ako pero baka it's just that I'm so contented with what I have.

ANYWAY, ayaw ko na siguro talakayin pa ang end of the world na yan masyado. at baka ung birthday birthday na yan kapag maisipan ko na lang ulit haha. Kundi, babanggitin ko na lang siya sa susunod kong ipopost, Start of the World. Total, di naman totoong nag-end ang world ng 2012.

Ireremind ko lang ang sarili ko at kung sino man ang makakabasa ng four season ng 2012 life ko na parang fruit punch.

Sayang naman ung effects nung teaser na huli kong blogpost dapat ung orasan un eh tapos tumigil sa 5, di na umandar kasi bagsak ung 5 haha, gets? Anyway, eto na lang. baligtarin ang orasan.

5




5





5





5




5





4





3




2





1





0





HAPPY NEW YEAR!




.abangan.
(this time i mean it)

Tuesday, October 30, 2012

End of the World

Ipamamahagi ko sa inyo paano gumuho ang mundo ko ngayong semestre (3.1) sa loob lamang ng pagbibilang hanggang lima.







1






2





3






4




5





5




5




5





5




5





5





.abangan.

Sunday, August 26, 2012

Cell Division


"Kung kaya ko lang hati-hatiin katawan ko and be in many different places all at the same time, I already did."

Sabi ko sa huling fb status ko.


Pero kung iisipin talga wala namang pumipilit sakin gumawa ng kahit ano. Wala din naman akong hinahabol na kahit ano sa buhay ko. Bakit pa ako tanggap ng tanggap ng trabaho?

Haha. Naisip ko lang biglang magblog kasi lahat ng pinagkakaabalahan ko ngayong semestre ay biglang nagparamdam. Humahanga na ako sa angking kakayahan sa ganitong mga bagay dahil minsan ni ako, nagtataka paano ko napagsasabay-sabay.

HAHA! Workaholic talaga ako no? Hindi ko lang sure paano pwedeng mangyari na workaholic at tamad ang isang tao at the same time. Basta, alam niyu na un.

Sabi nila, mas mabilis daw tayo mag-isip kaysa gumawa. Maaaring madami nang dumaan sa isip ng isang tao bago pa gumawa ng isang bagay. Hmm, anu-ano nga ba mga iniisip ko ngayon?

Ngayong sem, app process pa lang ng org ko ay isang multitasking event na! Tapos may 3 other orgs pa ako na di biro maging member. Fin ako sa isa Exte ako sa isa! Tapos, aplikante pa ako sa isang org at nagfoufound pa ng isang org this sem! Volunteer pa ako sa EEE at volunteer kung saan-saan kailangan! May acads din ako! Kaya di excuse sa akin ang mga ginagawa niyo kasi di ko ginagawang excuse ang mga to sa mga ginagawa ko. Iniischedule ko sila at ginagawang independent of each other.

Haha. Di ko talaga minsan matake ang reklamo pero kelangan maging maintindihin. Hindi ko minsan matake na magdelegate tapos hindi magawa pero kaya ko din namang mag-isa. HAHA. Yun ung dapat matutunan ko this sem eh and I'm trying. Yung magdelegate, hayaan ang iba gumawa fairly, bigyan sila ng chance, tiwala. Ako? Dapat matuto maghintay sa iba at magtiwala pa lalo.

Oo nga naman, paano na kung dumating na talaga yung time na di ko na talaga kaya? Kelangan magets naman ng iba un.

Bukod sa app process na pinakainiikutan ng mundo ko this moment at di ko malaman paano maeencourage ang members na magparticipate more because of passion. Iniisip ko din sa isa kong org kung magstep up ako sa trabaho kasi so far ang bagal ng usad at walang gumagawa na maaaring ikabagsak ng org. Pero that may mean na biglang magtake ako ng more load at baka mamaya ako na lang yung asahan. Ayaw ko din naman ng ganun.

Wah! Ang OC ko naman. Hmmm, basta masaya akong gumagawa with enough inspiration at enough tiwala ng mga tao sakin, gusto kong tanggapin.

Ayun pa. :( Gusto ko tanggap ako ng mga tao at gusto ko masaya ang iba sa ginagawa ko. :( Walang point kung walang natututo or walang nasisiyahan. :( Kapag di ko makita yung mga hinahanap ko, madalas nawawalan ako ng gana magtrabaho. HAHA! Ang simple na nga lang ng gusto ko sa buhay, ipinagkakait pa no?


Dito ako masaya. Gumawa ng mga bagay na nagpaparamdam sa akin na "I exist". Ito ang mga bagay na nagpapakita sa akin na may worth ako, so bakit ko iiwan?


Kung sa dedikasyon lang, di ko alam kung may papantay pa sakin, ni trabahong ayaw ko, nagugustuhan ko din eh kung kailangan. :)

Sunday, July 22, 2012

Sunday Morning Rain is Falling~

Just as a thought.

Morning came but I didn't expect it to be that soon.



Now, I'm pretty sure of one thing:

The night is through. Darkness is gone.



But then, I'm also pretty unsure of one thing:

Until when will it rain?



Maybe some things are really meant to happen.
And some are just as planned.


"And someday, it will lead me back to you."


And yeah, well maybe in the end, it will still lead me back to you.

Sunday, July 15, 2012

:(

OO NA! Lagi naman ako mali eh. Kelan ba ako naging tama?

Nahuhulog na Ako sa Kadiliman

Natuon ko karamihan ng oras ko sa mga patak ng tubig.
Hindi ko kaagad napansin ang dilim na bumabalot sa mga ulap sa likod nito.
Dapit-hapon na at mamaya'y magiging mas madilim.

Inubos ko ang panahon ko sa paghihintay ngunit wala namang nangyari.
Ang ulan ay ulan pa din.
Kumbaga, walang patutunguhan.
Kumbaga, isang biro lamang.

Hindi na ngayon.
Hindi na katulad ng kanina.
Patila na ang ulan, nakikita ko na ang kalangitan.

Madilim.

Ngunit nakapagtataka naman, sa lahat, gusto ko ang gabi.
Ang kalawakan, ang mumunting mga sinag sa itaas.
Di man hayag sa marami, nakita ko ang liwanag.

At dito ako nahulog.

Subalit di ko ibig na dito bumagsak.
Di ko dapat kalimutan.
Ang kalawakan, natatanaw ngunit hindi naaabot.
Hanggang silip na lamang ako sa liwanag na taglay nito.

Huwag magambala sapagkat panandalian lamang ito.
Darating din ang umaga at ang kadiliman ay maglalaho.

Ngunit sa oras na ito, ito ang gusto ko.

Kung matanaw at hindi maabot, subukin kayang sumigaw upang marinig ang tinig ko?

Makararating kaya ito sa'yo?

Friday, June 1, 2012

Teka lang.


Ang dami nang nagyari simula nung huli kong pagdayo dito. Ayan, inaalikabukan na. Natatabunan na ng makapal na leyer ng magkahalong duda at tiwala. Napawi na ang mga luha ng oras at inanod na ang natitirang bakas. Hindi ko na naaalala lahat. 

Ang pagiging bitter ko sa post ko na "bitter #6" ay parang isang katatawanan na lamang sa akin. Nilulon na lamang ako ng pag-aaral. Aral dito, aral doon, punta dito, punta doon. may pagsusulit kada linggo, tapos maikling happy happy tuwing makatapos. Ayun, pumasa naman lahat.

Tapos, madami pa kong nakilala ng mas malalim. Oo, nakakilala ako ng ilang mga taong ayaw kong bitiwan. Sana mabigyan pa ako ng pagkakataon. They're just too great and I'm nobody. How could i actually deserve such friends? Bahala na. Basta tiwala.

Haha. naalala ko bigla yung nangyari noong 2nd sem, yung season ng mga pagtakbo. Tatakbo dapat akong chairman ng angkan pero nagkalabuan kami nung exchairman kaya di na lang ako tumuloy. Anyway, alam ko namang di ako mananalo. Mas worthy ung supposed-to-be kalaban ko eh. Nakakainis lang ung yung point na may mga taong di nakakaintindi o napapangunahan ng galit. Nakakasira tuloy ng diskarte. Kaya kahit nung inalok nia ako ng pwesto sa exte, d ko tinanggap. (HAHA inaassume kong d nia to mababasa ever, pero if ever mabasa mo, sana naintindihan mo ung nararamdaman ko nun, alam mo namang mahal na mahal ko org natin) Sabi ko rin sa sarili ko. Kung di ko kayang ihandle ang isang tao sa org na to, panu ko pa kaya ihahandle ung buong org.

Tama desisyon ko. Buti na lang di ako tumakbo. Madami pa naman akong plano. Sa future. Basta bigyan lang ako ng pagkakataon. Basta bahala na. Tiwala.



Iba na lang ikwekwento ko. SUMMER.

OO! Natakot akong mangyari ulit ang post na "Tuwing Umuulan at Kapiling Ka". Sino ba namang hindi? Simula nung alumni homecoming paranoid na ko eh. Pero d naman nangyari. Guess what? Natauhan din ako. Pero di ko alam kung legit na, pero basta, ang alam ko dormant. Or siguro malayo lang ako sayo nung bakasyon? Di ko talaga alam. Siguro dapat di na sayo umikot ang post na to as a start.

SUMMER. ibang iba sa last year kong summer. Di ako nagmajormajor so malayo ako sa calcu. Di ko kasi nakuha yung dose kaya nagEnglish10 na lang ako bukod sa milsci na naenlist ko. Napakasaya lang ng milsci! Sobrang saya na sana di na lang ako nagprerog ng ibang subject. Di ko na natutukan tuloy. Bakit pa ba ako nagENG 10? Ang cute cute nga ni maam, nakakalungkot na never akong nagpasa ng homework. (ang bait pa, pumasa pa din ako) Tapos ung huling week ng pasukan d ako pumasok ni isang araw at nagdance central na lang ako. Actually, may gusto lang akong maging classmate dun kaya ako ngprerog. haha. 

Gusto kong gumawa ng bukod na paragraph para sa team mates ko sa cwts. ang CLIFFHANGERS. Bukod sa circuit, sila ang isa pang main company ko ngayong summer. (Duh, forever company ko ang CKT!) First day pa lang clingy na. Sila kasama kong maglunch araw araw. Tapos minsan, jog pa kami sa oval or gala gala lang. Kinokonsider ko na silang isang barkada ko. Sana, SANA, hindi lang hanggang summer yung samahan namin.

Ano pa pinagkakaabalahan ko? app process, volcor, mga laro. Yung supposedly summer games, naging summer frisbee na lang. Masaya naman. Tapos, nalulon ako sa paglalaro ng epic mafia. Basta kasabay nito ang nakikita kong pagbabago sa sa circuit. Isang mahabang tanong din sakin kung magiging aktibo ako sa iba kong org lalo na ang angkan. super friends ko kasi ang mga head at ineencourage ako mabuti.



Nasira ng tuluyan ang rhythm ko. Super di ko alam paano uumpisahan ang next sem gayong ganto ako.  TEKA LANG! AYAW KO PA! DI PA AKO HANDA! Ayaw ko pa magumpisa ang pasukan at bihira to. Kadalasan, mas gugustuhin ko pang pumasok. Andami kasing dapat harapin bukas at sa tingin ko, hindi ko pa kaya. O baka naman may iba rason, baka di ako nakuntento sa summer ko kaya ayaw ko pang magpasukan. Baka di pa sya tapos. Baka may dapat pang mangyari.


Ano naman kaya ang kulang?