Friday, February 28, 2014

After 2 AM (part 6)

I give up.

Or at least I'm trying to. Lalo na ngayon na mas nakikita ko na ang position ko sa buhay mo.

Ganyan ka eh, lalapitan mo ako, kapag wala ang iba. Feeling ko alam mo naman na apektado ako sa mga paglapit mo. Pero ayun, hindi ko na iisipan iyon ng kahit ano. Friendly ka lang talaga.

Hindi naman talaga matindi nararamdaman ko para sa iyo. Minsan natutuwa lang talaga ako. Pero I don't want to be just one fish in your sea. At ayun, mas gusto kong friends tayo, more like magkapatid. Ang childish ata pairalin pa itong small things.

Tapos minsan nakakacurious lang talaga anong iniisip mo o nararamdaman sa mga tao. Alam ko open ka naman sa mga tanong pero wala masyadong nagtatanong sa iyo. Ang galing lang talaga. Tapos, yung mga apektado ako sa galaw ng mga tao sa paligid mo. Haha sana hindi na ako halata kasi nag-eeffort ako ng sobra para lang maging normal sa paningin ng lahat.

Mas madalas din na nakakalimutan kita kaysa naaalala. Share lang. Baka kasi masyado kang feeler. Biruin mo nakalimutan ko nga ikaw over the vacation. I believe possible ulit yun.

Pero ayun din, nababagot ako sa buhay ko at siguro naghahanap lang talaga ng inspirasyon. Ang hirap nang magtiwala, ang hirap nang umasa, ang hirap nang imbak ng pakiramdam at mapunta lang sa wala. Ang hirap lang. Hinahayaan na lang dumaan ang oras, panahon, araw, ulan o kung anuman at maghintay ng mangyayari.

Salamat na din sa lahat, sa time, sa opportunity. Most probably, I'll still be around to entertain you but it will almost be impossible to consider a future with you beyond friends. And I like it this way the most.

Sunday, February 23, 2014

After 2 AM (part 5)

Congratulations. Hindi ko akalaing aabot ito ng part 5. Siguro ang saya saya lang iupdate.

Nakaget over na ako sa isang parte. Iyong isa, humuhupa na din. Wala lang. Masaya lang ako na kasama ka. Kaya nga go with the flow lang kapag andyan ka. Minsan, hindi ko alam hinahanap na pala kita. Hindi ko talaga alam.

Minsan weird na nung sinasabi ko o ginagawa. Tulad na lang nung pag bumagsak ka sa exam ililibre mo ako. Haha. Sorry. Umoo ka naman eh. Pero sorry sa exam mo.

Ewan ko ba, ang lakas lang talaga ng dating mo recently. Hindi naman kita typically type. Tapos, nakakatuwa naman ang friendship na mayroon tayo. I'm glad we're friends. Basta ang alam ko makakaget over din ako dito. Phase lang to.

Pero sa ngayon, ieenjoy ko muna.

Feb 21

Parang isang panaginip yung nangyari. Basta parang naglalaro ang araw ko sa fast forward at slowmo. At naglalaro ang isip ko sa halong takot at excitement. Hindi ko na mapigilan iyong nararamdaman ko.  Napuno talaga ako ng kasiyahan at naging super nostalgic ko.

Nakakamiss kasi iyong ganoong mga pagsasama. Umaga pa lang iniisip ko na. A week before iniisip ko na. Sino ba namang hindi maeexcite?

Nung Feb 14 kasi dapat tayo gagala. Ibibili naman kita ng tickets ng UP Fair eh. O kaya pwede na din sa Counting Stars, pero ayun, minsan mas gusto kong kasama ka alone. On top of my head sana wag ka na magyaya ng blocmates mo. At hindi totoong hassle sakin ihatid ka kasi willing naman ako gawin yon. Kasi masaya akong kasama ka.

Nung Feb 21. May exam ako. Hindi ako natulog the night before, (halos). Tapos, hindi ako nakapasok ng dalawang klase ko kasi hindi ako makabangon. Tapos, ayun, ang dali lang pala nung exam kahit hindi ka mag-aral. Late ako dumating tapos less than an hour natapos ko na. EXCITED NA TALAGA AKO.

Hindi kita tinext agad kasi baka may ginagawa ka. Sabi mo latest mo na yung 5pm. Malay ko ba namang tapos ka ng mas maaga. Nagliwaliw muna ako. Tumulong sa mga Pub stuff at medyo nainis na nadumihan ang damit ng kaunti. Kumain ng kaunti, (or madami pala). Lumandi sa tambayan ng kaunti. Tumambay ng kaunti. Tapos, sinusulat ko ang liham ko para sa'yo from time to time. Sorry naman pero crammed talaga yan. Wala lang ako magawa at desperada na yata akong makasulat ng letter. HAHA.

Anyway, isa pang worry ko nung araw na iyon ay wala akong pera. Namumulubi ako dulot ng katakawan ko. Hindi talaga ako handa. Bahala na.

Ayun. Ako pa iyong nalate. Nagtext ka at tumawag pero hindi ko pa tapos yung sulat ko. Tinapos ko pa bago ako umalis. At pagkadating mo, hindi mo na siya sa akin napakilala. Ang araw. 

Umutang na lamang ako sa'yo ng pantaxi. Sabi ko pa nga nanaginip ako tungkol sa kaibigan kong may kotse na isinama ko sa event na yan. Sayang at panaginip lang iyon. Bakit hindi ka pa kasi bumili ng kotse mo at mag-aral ka na magdrive. Haha.

Anyway, nagdoubt ako sa event kung legit at pagkarating natin doon, ABA LEGIT NGA. Nasa backdrop ang picture ng Red Jumpsuit Apparatus, isa sa mga bandang paborito nating dalawa. Pero gutom na talaga ako so kumain muna tayo sa Bigoli. Salamat ulit sa pagpapautang sakin. Isa kang tunay na kaibigan sa mga less fortunate beings. Tapos habang nagpapakabusog ako, sinulatan mo yung resibo. Sakto. May panreply ako. Inabot ko naman sa'yo ang letter na ginawa ko kanina kasi wala lang.

Ayun, pumunta na tayo sa event proper. Una sa labas, kaso pinaalis tayo so pumasok tayo sa loob. BUTI NA LANG NAISIP NATING PUMASOK SA LOOB. Kasi ang lapit. mga 2.5 meters away from the stage lang tayo. Kaso nung una nasa gitna ako ng mga JJ at nagtatatalon sila sa paligid ko at binubunggo nila ako. Nagkaguards tuloy sa harap ko at hinarangan ang view ni Ronnie Winter.

Sabi ko nga hindi ako sisigaw at malulungkot ako kung mainstream lang kakantahin nila at mga lumang kanta pero kahit ganoon nga iyong nangyari hindi ko pa rin mapigilan sumigaw. You second the motion. Face Down, Damn Regret, Cat and Mouse, False Pretense, at syempre Your Guardian Angel na nagduet pa sila ng kanyang labidabs sa stage. Napansin ko din ang V t-shirt ni Ronnie. Ang awesome lang. Bumaba pa siya ng stage tapos umikot. Tayo naman, talon-talon, wave-wave, irit-irit.Tapos hindi ko mapigilan yung feeling na iyon na hindi ko malaman kung kilig ba o inggit o lungkot o saya o lahat siguro. Kasi napakaiba talaga ng experience na iyon.

Tapos, nung lumabas na sila ng stage, sumigaw mga tao ng "ONE MORE SONG" kaya bumalik sila para kumanta ng YOU BETTER PRAY! Isa sa mga paburito ko ring kanta. Nakakalungkot lang na madaming hindi nakakaalam pero wapakels, sumigaw pa din tayo at the top of our lungs to the lyrics of the song.

Tapos yun na! Namato pa sila ng stuff like tumblers, shirts, pati yung drumsticks na malapit sa akin kaso tumalsik pa. Sayang.

Lumabas na tayo kasi ang init at nagstarbucks. Nagpapasalamat ako at may card ako kasi short na short talaga ang budget ko. Kaunting laro ng truth or dare.

Tapos nagkaraoke tayo sa timezone. Ito daw yung "what we do best" pero ikaw lang talaga yung magaling doon. Wala ngang bagong kanta sa songlist kaya naman nagpakathrowback din mga kanta natin. HAHA! Supermassive Black Hole! tapos stick with you!

Tapos naubos na yung laman ng card ko. So iniisip ko tapos na ba? Ayaw ko pa umuwi. Either naghahanap tayo ng taxi o nag-iikot. Tapos nung nakahanap na ng taxi, nagcracrave ka ng inumin. EH! nung nakarating tayo sa katipunan, wala nang bukas. Nagend-up tayo sa Persepolis. Tambay. Truth or Dare. Tapos, may mga bagay sa damdamin ko na hindi ko usually nasasabi sa iba at takot ako sabihin sa'yo pero ayun nasabi ko. At salamat na lang dahil you gave me the best reaction I can have. Nahihiya kasi ako. Pero dapat di ba sinasabi ko sayo lahat. Dapat wala akong tinatago. Pero, ayun, nung nasabi ko na, ang gaan sa pakiramdam at lalo lang kitang namiss.

I walked you home. "Magkikita pa kaya tayo pagkagraduate mo?" "Oo naman." Tapos I waited for a trike to UP. Habang naglalakad, naglalayag ang isip ko, iniisip kung ano nangyari. Ang saya ko lang. Nagpatugtog pa ako ng RJA kaso hindi ko napansin nakatulog na ako.

Salamat talaga sa araw na iyon. Salamat sa libre! Salamat sa company. At Bestplen, alam mo namang mahal na mahal kita at miss na miss na kita. 

Sunday, February 16, 2014

#DescribeYourFriendsIn1Word

Non-existent. Kahit na ilang beses ko ideny, may mga circumstances talaga na laging nagpaparealize sakin ng katotohanang ito.

It has always been me alone who's been thinking, cherishing, remembering how things went and going. Pero at the end of the day, I am alone. Yes, never ko pa nakita na kasama ako sa big picture ng mga tinuturing kong friends. It's like I'm not always part of anyone's life. As if I won't stay with the for the rest of it. As if my presence is a joke. "Ah, andiyan lang iyan. That won't matter." I don't really matter. It doesn't really matter if I'm there or not. Tapos, heto ako, dreaming of being with you guys. How did I end up to be matampuhin without having any stable friends. It sucks. Having no one to consider you in planning. Having no one to remember you in a memory that you remember so well. Being left behind without anyone noticing. Di ko talaga alam kung anong nasa isip niyo. "She's gonna be fine!" Ganoon ba? Well, I'm not. Hindi ko nga alam if naiisip niyo ko in the first place.

Ang hirap lang maging invisible.

Tapos, sasabihin niyo, I have to be honest with my feelings. Chill lang ako. Sasabihin niyo, hindi ito totoo at overthinking lang ako. Then why does it happen ALL the time? Ilang beses ko na ito pinalagpas sa buhay ko pero nakakabanas na kasi. O baka nga tama kayo na hindi ito totoo and maybe, I always end up with the wrong set of people. Pero saan pa kasi ako tatakbo, kung hindi sa mga tinuturing kong kaibigan? I don't know what is wrong with me. And no one cares to tell me.Mahirap kumausap ng hangin. Salita ka ng salita, hindi mo alam kung may nakikinig talaga. Kung meron man, hindi mo alam kung nagmamatter talaga.

Baka naman sinasabi niyo ang babaw ko. Oo, for the short term, ang babaw pero kung buong buhay mo ganto, minsan naiipon tapos sasabog ka na lang minsan minsan. Is what I want too much too ask?

Hai.

May mga panahon talaga na ganito na nalulungkot lang talaga ako. Lalo pa ngayong linggo, kapag inassess ko lahat ng nangyari sa akin, feeling ko maaalala ko lagi iyong mga nangyari and I will cherish them pero sa ibang kasama ko, they will forget na andon ako sa scene. Trust me, it happens almost all the time.

Proven and tested ko na yata itong pagiging imbisibol.

Saturday, February 15, 2014

After 2 AM (Part 4)

It's already February 15 at wala namang nangyari kahapon.

Ang ibig sabihin ko ng walang nagyari eh as in wala akong naramdaman kung hindi ligaya kasama ang mga kaibigan. Chill-chill lang habang sumisilip sa buwan at nagbibilang ng bituin.

Oo, aaminin ko, may mga inexpect, winiwish, hinohope akong gawin, mangyari, o kung ano man pero sadly, hindi natuloy. Pero okay lang naman.

Wala naman akong naramdaman. Siguro kaunting hinayang pero walang poot o hapis.

Oo alas kwartro na nga ngayon at hindi dahil sa kakaisip kung hindi dahil pinilit ko lang magising dahil nanunuod ako ng pelikula at wala lang. Gustuhin ko an na laliman pa ang aking pag0iisip ngayon ay hindi ko na kaya dahil napapapikit na mga mata ko habang sinasabi ko ito.

Haha. Siguro minsan masaya na din iyong walang nangyayari. Ito yung mga pagkakataong buti na lang napapaiwas ka, napapalayo isipan o nababaling sa ibang bagay ang atensyon. Siguro nga ito na iyon. Ibang ba ang nasa isip ko ngayon kumpara sa mga lumipas na After 2 AM sessions natin. Ngayon parang mas kalmado at mas tumatanggap ako.

Haha ito yata yung sensation pag naiiisip mong may nagmamahal naman sayo. Mas nafeefeel secured ako ngayon kaysa sa ibang After 2 AM sessions, mas sigurado at mas masaya.

Sana mapafeel pa ng mga kaibigan ko ito para magtuluy-tuloy na ito.

Tignan ko sa ibang araw kung ano mangyari, bahala na.

Ayaw ko na mag-isip. Inaantok na talaga ako. Good night.

Sunday, February 9, 2014

After 2 AM (part 3)

Gusto ko sanang sabihin na may tama lang talaga ako kasi lampas na ng alas-dos ng umaga.

Pero ngayon kasi, wala pa ngang alas-dyes ng gabi at binabagabag nanaman ako. Di na siguro magandang katwiran yun.

So ano nga namang magandang ideya nanaman tong ginawa ko. Nangausap ako ng tao. Akala ko ba conceal, don't feel, put on a show? Eh, minsan kasi di ko talaga mapigilan isipin na mag-isa lang. Minsan masyado na akong nagdwedwell sa idea at lalo ko lang pinapakumplekado kahit di naman dapat.

Eh kasi minsan, masakit. Feeling ko nga naramdaman ko na to dati at naulit lang ngayon. Baka nga nablog ko pa. Sige mamaya ichecheck ko. PERO AYAW KO TALAGA MAULIT YUN. AS IN. Iba kasi to. Ibang iba sa dati. Kung wala akong napala dati, mas wala akong mapapala ngayon.

Hay utak, ba't antalino mo pero at the same time, puso, ba't antanga tanga mo. Bakit hindi kayo magkasundo sa isang bagay? Hindi niyo ba alam na mas lalong humihirap kapag ganyan kayong nagtatalo? Maawa naman kayo sa akin at sa mga taong posibleng maapektuhan.

Iyon pa. Dati okay lang kasi ako lang. Ngayon, di ko alam, baka may maapektuhan kapag umiral yung katangahan ko na 'wag naman sana mangyari, diyos ko po lord.

Ang hirap din pala nung ikimkim mo lahat. Maya't maya pwede ka sumabog. Kaysa maitago mo eh maikakalat mo pa. Kaysa nagpakatalino ka eh nagpapakatanga. Yes naman. Syempre 'yung aim ko iyong maging matalino at masagip ko lahat. Magpakabayani para sa bayan! Woo! Magpakabayani nga ba o magpakamartir? Haha. Pwede naman sabay parehas hindi ba?

Hay, Lord. Gabayan niyo po ako sa mga susunod kong hakbang. Alam niyo naman pong ako iyong uri ng tao na ayaw na may napapahamak at ayaw na nakakasakit ng iba.

Haha. Ang lala ko na. Woo. Kaya ko ito. Kaya din nila. Kaya naming lahat. Pero sana makatagpo ako ng isang masasabihan ko ng buong storya without hesitation at maaasahan ko. Para malaman kong nasa katinuan ako at hindi pa ako nasisiraan ng bait.

Sa kabilang banda, parang gumagawa lang ako ng storya. Guni-guni ko lang pala lahat 'to. Well, hindi ba sabi ko nga, wala naman talaga akong mapapala talaga dito.

Lagi na lang ganito. Huwag na masyadong i-feel. Kahit na it feels like it.
Even if it's before 2 AM.

After 2 AM (part 2)

Nothing's happening.

Isip lang ako ng isip.

Conceal. Don't feel. Don't let them know. Let it go.

HAY! NAKO! MALAY KO! ANONG GAGAWIN KO!

Para namang may magagawa ako. Para namang may choice ako. Kahit anong piliin kong gawin may part na masakit. Di ko nga gets ano sinasabi ng damdamin ko. Di ko matistinguish yung pagkakaiba ng feeling ng gusto lumaban at gusto sumuko. Parang parehas lang na unstable.

May mga panahon talaga na hirap na hirap ako tumanggap ng isang bagay. Na kahit alam ko sa sarili kong totoo, lalabanan pa din ang sariling loob ng sa tingin nitong dapat. Dapat nga ba? Ano nga bang dapat at hindi?

Hindi ko na din alam. Nakakalito na. Di ko alam ano gagawin ko kasi di ko na din sure kung anong stand ko. Ano nga bang pinaglalaban ko?

Haha. Minsan kasi ganoon tayo. Gusto natin may mangyayari na lang o gumawa na lang. Tapos, saka na iisipin bakit yun ang nangyari o ginawa. We try to explain and reason out things that happen pero minsan, takot lang talaga magdecide sa umpisa at magkamali. Di ba sabi nga, there is a reason for everything. Mas madali daw magreklamo kesa gumawa. Syempre, diyan tayo magaling.

So ano na ngang gagawin ko?

Mag-iisip ng paraan ngayon? O mag-iisip ng dahilan sa susunod?

Wala na lang. Bahala na. Lampas alas tres na at inaantok na ako.

Iiwasan ko na lang ulit hanggang sa bigla na lang may maganap.

Let it go. Let it go.

Friday, February 7, 2014

After 2 AM

Nothing good happens.

I'm sorry, I can't stop myself from being bothered by some small detail that I have no right to be bothered about. I didn't know it would prick. I didn't know it will catch my attention. I didn't know.

And yeah, at this moment, I have no one to talk to. Everyone is sound asleep. And me, dwelling to the words I heard just a few hours ago. I SHOULD understand. I SHOULD let it go. But a part of me says, I don't want to. A part of me says, do something.

I have no one to talk to because even if my friends are awake, I don't know how to tell them. It's me fighting myself inside and I think, no one else could understand that. And that, that person is a friend.

Why am I so worried? Maybe I'm still shocked. Or maybe, I'm not really quite comfortable yet to this kind of situation and telling myself to get over it might take some more time.

This is it. pansit. I don't want to get involved. I don't want to be caught in the middle of it. I just cannot.

Anyway, most likely I'm just caught by my feelings because it is after 2AM.

And nothing good happens after 2 AM.