Sunday, February 9, 2014

After 2 AM (part 2)

Nothing's happening.

Isip lang ako ng isip.

Conceal. Don't feel. Don't let them know. Let it go.

HAY! NAKO! MALAY KO! ANONG GAGAWIN KO!

Para namang may magagawa ako. Para namang may choice ako. Kahit anong piliin kong gawin may part na masakit. Di ko nga gets ano sinasabi ng damdamin ko. Di ko matistinguish yung pagkakaiba ng feeling ng gusto lumaban at gusto sumuko. Parang parehas lang na unstable.

May mga panahon talaga na hirap na hirap ako tumanggap ng isang bagay. Na kahit alam ko sa sarili kong totoo, lalabanan pa din ang sariling loob ng sa tingin nitong dapat. Dapat nga ba? Ano nga bang dapat at hindi?

Hindi ko na din alam. Nakakalito na. Di ko alam ano gagawin ko kasi di ko na din sure kung anong stand ko. Ano nga bang pinaglalaban ko?

Haha. Minsan kasi ganoon tayo. Gusto natin may mangyayari na lang o gumawa na lang. Tapos, saka na iisipin bakit yun ang nangyari o ginawa. We try to explain and reason out things that happen pero minsan, takot lang talaga magdecide sa umpisa at magkamali. Di ba sabi nga, there is a reason for everything. Mas madali daw magreklamo kesa gumawa. Syempre, diyan tayo magaling.

So ano na ngang gagawin ko?

Mag-iisip ng paraan ngayon? O mag-iisip ng dahilan sa susunod?

Wala na lang. Bahala na. Lampas alas tres na at inaantok na ako.

Iiwasan ko na lang ulit hanggang sa bigla na lang may maganap.

Let it go. Let it go.

No comments: