Sunday, February 9, 2014

After 2 AM (part 3)

Gusto ko sanang sabihin na may tama lang talaga ako kasi lampas na ng alas-dos ng umaga.

Pero ngayon kasi, wala pa ngang alas-dyes ng gabi at binabagabag nanaman ako. Di na siguro magandang katwiran yun.

So ano nga namang magandang ideya nanaman tong ginawa ko. Nangausap ako ng tao. Akala ko ba conceal, don't feel, put on a show? Eh, minsan kasi di ko talaga mapigilan isipin na mag-isa lang. Minsan masyado na akong nagdwedwell sa idea at lalo ko lang pinapakumplekado kahit di naman dapat.

Eh kasi minsan, masakit. Feeling ko nga naramdaman ko na to dati at naulit lang ngayon. Baka nga nablog ko pa. Sige mamaya ichecheck ko. PERO AYAW KO TALAGA MAULIT YUN. AS IN. Iba kasi to. Ibang iba sa dati. Kung wala akong napala dati, mas wala akong mapapala ngayon.

Hay utak, ba't antalino mo pero at the same time, puso, ba't antanga tanga mo. Bakit hindi kayo magkasundo sa isang bagay? Hindi niyo ba alam na mas lalong humihirap kapag ganyan kayong nagtatalo? Maawa naman kayo sa akin at sa mga taong posibleng maapektuhan.

Iyon pa. Dati okay lang kasi ako lang. Ngayon, di ko alam, baka may maapektuhan kapag umiral yung katangahan ko na 'wag naman sana mangyari, diyos ko po lord.

Ang hirap din pala nung ikimkim mo lahat. Maya't maya pwede ka sumabog. Kaysa maitago mo eh maikakalat mo pa. Kaysa nagpakatalino ka eh nagpapakatanga. Yes naman. Syempre 'yung aim ko iyong maging matalino at masagip ko lahat. Magpakabayani para sa bayan! Woo! Magpakabayani nga ba o magpakamartir? Haha. Pwede naman sabay parehas hindi ba?

Hay, Lord. Gabayan niyo po ako sa mga susunod kong hakbang. Alam niyo naman pong ako iyong uri ng tao na ayaw na may napapahamak at ayaw na nakakasakit ng iba.

Haha. Ang lala ko na. Woo. Kaya ko ito. Kaya din nila. Kaya naming lahat. Pero sana makatagpo ako ng isang masasabihan ko ng buong storya without hesitation at maaasahan ko. Para malaman kong nasa katinuan ako at hindi pa ako nasisiraan ng bait.

Sa kabilang banda, parang gumagawa lang ako ng storya. Guni-guni ko lang pala lahat 'to. Well, hindi ba sabi ko nga, wala naman talaga akong mapapala talaga dito.

Lagi na lang ganito. Huwag na masyadong i-feel. Kahit na it feels like it.
Even if it's before 2 AM.

No comments: