Sunday, February 23, 2014

Feb 21

Parang isang panaginip yung nangyari. Basta parang naglalaro ang araw ko sa fast forward at slowmo. At naglalaro ang isip ko sa halong takot at excitement. Hindi ko na mapigilan iyong nararamdaman ko.  Napuno talaga ako ng kasiyahan at naging super nostalgic ko.

Nakakamiss kasi iyong ganoong mga pagsasama. Umaga pa lang iniisip ko na. A week before iniisip ko na. Sino ba namang hindi maeexcite?

Nung Feb 14 kasi dapat tayo gagala. Ibibili naman kita ng tickets ng UP Fair eh. O kaya pwede na din sa Counting Stars, pero ayun, minsan mas gusto kong kasama ka alone. On top of my head sana wag ka na magyaya ng blocmates mo. At hindi totoong hassle sakin ihatid ka kasi willing naman ako gawin yon. Kasi masaya akong kasama ka.

Nung Feb 21. May exam ako. Hindi ako natulog the night before, (halos). Tapos, hindi ako nakapasok ng dalawang klase ko kasi hindi ako makabangon. Tapos, ayun, ang dali lang pala nung exam kahit hindi ka mag-aral. Late ako dumating tapos less than an hour natapos ko na. EXCITED NA TALAGA AKO.

Hindi kita tinext agad kasi baka may ginagawa ka. Sabi mo latest mo na yung 5pm. Malay ko ba namang tapos ka ng mas maaga. Nagliwaliw muna ako. Tumulong sa mga Pub stuff at medyo nainis na nadumihan ang damit ng kaunti. Kumain ng kaunti, (or madami pala). Lumandi sa tambayan ng kaunti. Tumambay ng kaunti. Tapos, sinusulat ko ang liham ko para sa'yo from time to time. Sorry naman pero crammed talaga yan. Wala lang ako magawa at desperada na yata akong makasulat ng letter. HAHA.

Anyway, isa pang worry ko nung araw na iyon ay wala akong pera. Namumulubi ako dulot ng katakawan ko. Hindi talaga ako handa. Bahala na.

Ayun. Ako pa iyong nalate. Nagtext ka at tumawag pero hindi ko pa tapos yung sulat ko. Tinapos ko pa bago ako umalis. At pagkadating mo, hindi mo na siya sa akin napakilala. Ang araw. 

Umutang na lamang ako sa'yo ng pantaxi. Sabi ko pa nga nanaginip ako tungkol sa kaibigan kong may kotse na isinama ko sa event na yan. Sayang at panaginip lang iyon. Bakit hindi ka pa kasi bumili ng kotse mo at mag-aral ka na magdrive. Haha.

Anyway, nagdoubt ako sa event kung legit at pagkarating natin doon, ABA LEGIT NGA. Nasa backdrop ang picture ng Red Jumpsuit Apparatus, isa sa mga bandang paborito nating dalawa. Pero gutom na talaga ako so kumain muna tayo sa Bigoli. Salamat ulit sa pagpapautang sakin. Isa kang tunay na kaibigan sa mga less fortunate beings. Tapos habang nagpapakabusog ako, sinulatan mo yung resibo. Sakto. May panreply ako. Inabot ko naman sa'yo ang letter na ginawa ko kanina kasi wala lang.

Ayun, pumunta na tayo sa event proper. Una sa labas, kaso pinaalis tayo so pumasok tayo sa loob. BUTI NA LANG NAISIP NATING PUMASOK SA LOOB. Kasi ang lapit. mga 2.5 meters away from the stage lang tayo. Kaso nung una nasa gitna ako ng mga JJ at nagtatatalon sila sa paligid ko at binubunggo nila ako. Nagkaguards tuloy sa harap ko at hinarangan ang view ni Ronnie Winter.

Sabi ko nga hindi ako sisigaw at malulungkot ako kung mainstream lang kakantahin nila at mga lumang kanta pero kahit ganoon nga iyong nangyari hindi ko pa rin mapigilan sumigaw. You second the motion. Face Down, Damn Regret, Cat and Mouse, False Pretense, at syempre Your Guardian Angel na nagduet pa sila ng kanyang labidabs sa stage. Napansin ko din ang V t-shirt ni Ronnie. Ang awesome lang. Bumaba pa siya ng stage tapos umikot. Tayo naman, talon-talon, wave-wave, irit-irit.Tapos hindi ko mapigilan yung feeling na iyon na hindi ko malaman kung kilig ba o inggit o lungkot o saya o lahat siguro. Kasi napakaiba talaga ng experience na iyon.

Tapos, nung lumabas na sila ng stage, sumigaw mga tao ng "ONE MORE SONG" kaya bumalik sila para kumanta ng YOU BETTER PRAY! Isa sa mga paburito ko ring kanta. Nakakalungkot lang na madaming hindi nakakaalam pero wapakels, sumigaw pa din tayo at the top of our lungs to the lyrics of the song.

Tapos yun na! Namato pa sila ng stuff like tumblers, shirts, pati yung drumsticks na malapit sa akin kaso tumalsik pa. Sayang.

Lumabas na tayo kasi ang init at nagstarbucks. Nagpapasalamat ako at may card ako kasi short na short talaga ang budget ko. Kaunting laro ng truth or dare.

Tapos nagkaraoke tayo sa timezone. Ito daw yung "what we do best" pero ikaw lang talaga yung magaling doon. Wala ngang bagong kanta sa songlist kaya naman nagpakathrowback din mga kanta natin. HAHA! Supermassive Black Hole! tapos stick with you!

Tapos naubos na yung laman ng card ko. So iniisip ko tapos na ba? Ayaw ko pa umuwi. Either naghahanap tayo ng taxi o nag-iikot. Tapos nung nakahanap na ng taxi, nagcracrave ka ng inumin. EH! nung nakarating tayo sa katipunan, wala nang bukas. Nagend-up tayo sa Persepolis. Tambay. Truth or Dare. Tapos, may mga bagay sa damdamin ko na hindi ko usually nasasabi sa iba at takot ako sabihin sa'yo pero ayun nasabi ko. At salamat na lang dahil you gave me the best reaction I can have. Nahihiya kasi ako. Pero dapat di ba sinasabi ko sayo lahat. Dapat wala akong tinatago. Pero, ayun, nung nasabi ko na, ang gaan sa pakiramdam at lalo lang kitang namiss.

I walked you home. "Magkikita pa kaya tayo pagkagraduate mo?" "Oo naman." Tapos I waited for a trike to UP. Habang naglalakad, naglalayag ang isip ko, iniisip kung ano nangyari. Ang saya ko lang. Nagpatugtog pa ako ng RJA kaso hindi ko napansin nakatulog na ako.

Salamat talaga sa araw na iyon. Salamat sa libre! Salamat sa company. At Bestplen, alam mo namang mahal na mahal kita at miss na miss na kita. 

No comments: