Friday, February 28, 2014

After 2 AM (part 6)

I give up.

Or at least I'm trying to. Lalo na ngayon na mas nakikita ko na ang position ko sa buhay mo.

Ganyan ka eh, lalapitan mo ako, kapag wala ang iba. Feeling ko alam mo naman na apektado ako sa mga paglapit mo. Pero ayun, hindi ko na iisipan iyon ng kahit ano. Friendly ka lang talaga.

Hindi naman talaga matindi nararamdaman ko para sa iyo. Minsan natutuwa lang talaga ako. Pero I don't want to be just one fish in your sea. At ayun, mas gusto kong friends tayo, more like magkapatid. Ang childish ata pairalin pa itong small things.

Tapos minsan nakakacurious lang talaga anong iniisip mo o nararamdaman sa mga tao. Alam ko open ka naman sa mga tanong pero wala masyadong nagtatanong sa iyo. Ang galing lang talaga. Tapos, yung mga apektado ako sa galaw ng mga tao sa paligid mo. Haha sana hindi na ako halata kasi nag-eeffort ako ng sobra para lang maging normal sa paningin ng lahat.

Mas madalas din na nakakalimutan kita kaysa naaalala. Share lang. Baka kasi masyado kang feeler. Biruin mo nakalimutan ko nga ikaw over the vacation. I believe possible ulit yun.

Pero ayun din, nababagot ako sa buhay ko at siguro naghahanap lang talaga ng inspirasyon. Ang hirap nang magtiwala, ang hirap nang umasa, ang hirap nang imbak ng pakiramdam at mapunta lang sa wala. Ang hirap lang. Hinahayaan na lang dumaan ang oras, panahon, araw, ulan o kung anuman at maghintay ng mangyayari.

Salamat na din sa lahat, sa time, sa opportunity. Most probably, I'll still be around to entertain you but it will almost be impossible to consider a future with you beyond friends. And I like it this way the most.

No comments: