Saturday, March 1, 2014

After 2 AM (part 7) (at may halong ibang bagay)

Ugh! Ang sakit sakit pa din. Taliwas man sa sinabi ko sa huling After 2 AM session, nilalabas ko lang ang honest feelings ko.

Sa kada semestre na dumadaan ang event na ito, may nangyayaring nakakaapekto sa akin. Natrauma na nga ako eh, kaya sabi ko hindi na lang ako pupunta tulad nung mga past sems. Isang hinanain ko diyan eh, pagkatapos, laging wala akong mapuntahan. Ganoon lang siguro talaga ako kamalas. Ganoon lang din siguro na nagkakataon na sa tuwing araw na iyon nangyayari. Himala nga may sinamahan ako ngayong gabi. Ipinagpalit ko pa sa isang mahalagang event the next day, na kapag pumalya ay maaaring ikasira ng kinabukasan ko. Pero may kaunting trauma pa talaga ako kaya hindi ako masyadong nakihalubilo. Anyway, gusto ko lang inote yung NAKAKABADTRIP NA GUARD NA HINDI KAMI PINAPASOK NG LAMPAS ISANG ORAS. EPAL MO!

Okay. Seryoso na. I'm getting a little bit ahead of myself. Sorry talaga. Hating-hati iyong buong atensyon ko buong gabi. Mga mata ko na nakatingin sa harap pero ang pakiramdam at isip ko, nasa likod. Dinistract ko na lang sarili ko. Mali talagang magreact ako, alam ko. Kaya sorry talaga. Gusto ko lang ilabas ng kaunti. Wala akong balak mamigil ng kahit ano o magpush ng kahit ano.

Masakit lang talaga na makita.

Pero pangako, makakaget-over din ako. Pramis.

No comments: