Sunday, March 9, 2014

Sparks: After 2 AM (part 8)

Ang puso kapag may matinding feelings, tumatakbo na parang speed of light, kaya siguro tinawag na "sparks".


"Head over feels. Head over feels. Mind over matter. Head over feels" Ito na lamang ang lagi kong sinasabi sa sarili ko. Isang excuse para sa kaduwagan ko para harapin ang mga bagay na hindi ko kayang harapin at aminin ang mga bagay na di ko maamin.

Pero ngayon, taliwas sa mga sinabi ko sa past, heto ako ngayon, susubukang harapin ang problema kong ito. Ano pa bang sense? Kahit magforward or backward ako, parehas lang na may sakit.

Ewan ko. Kapag naramdaman mo itong sparks di mo talaga sure kung gaano kalegit, pero enough para sabihing may naramdaman ka at huwag mo ito ipagkakaila. Iyon na iyon, impulse para gumawa ng katangahan taliwas sa head over feels na iyan. Impulse na nagdidistinguish ng conviction at preference. Impulse para makapaggather ng strength, ng courage that you didn't know you have. And yes, I wanted to tell you despite all the risks and restraints. I wanted to tell you this.

I don't know about tomorrow, but at least I know that I like you now.

And I guess not only now but for a while now. And, I'm not expecting anything in the future. I just want to tell you so that I can let go of this large baggage. If you are happy with another person, it's fine, or at least I'll be trying my best to be fine.


No comments: