Hi blog!
Aaminin ko. Tinatamad akong magsulat for the past few weeks. Laging nakabukas ka sa tab ko, tapos, lagi ko ding naiisip kung ano gusto ko isulat pero sa huli, biglang mawawala yung urge ko at maiiwan ka lang. Ganyan ako for a while hanggang sa dumating ang araw na ito na humihingi ako ng tawad.
Marami talaga akong gusto isulat. Naghahalo-halo na nga eh. Pero kasi madalas related lang o hindi ko matyempuhan paano umpisahan o kaya naman ay nalilito ako kung ano gusto kong unahin.
Kaya ngayon pinipili kong ibaba muna ang mga defenses ko at sasabihin ko lang sa iyo kahit anong gusto kong sabihin ngayon without holding back, without thinking what I'm writing kahit na pamali-mali na nasusulat ko, o kahit na nagswitch ako ng language o, puro magalter between fragments or run-on ang mga sentences ko.
Para kasi akong nagmamadali lagi. Parang hindi enough yung time ko isipin paano magsulat ng bagong entry o kung ano sasabihin ko. Ang tagal ko kasi maginternalize. Tapos may times naman na gustong gusto ko talaga isulat pero wala namang access.
Anyway, magkwekwento na lang ako.
Mapaglaro ang tadhana. Kahapon, habang papauwi ako ng probinsya, naisip ko, how long has it been. Bigla ko kasing nakumpara yung state ng bestfriend ko sa akin. Looking back, we were like in the same phase nung una. Parang sabay lang nung time na magtatapat siya sa crush niya at ako sa crush ko. Siya, nagtapat siya, ako hindi. Ang laki ng difference ngayon. Sila na, kami, di nalalayo sa stage dati.
Hindi ko maitatanggi na nakakainggit. :)) Parang, BOOM! bagay sila. BOOM! Gusto ka din ng gusto mo. Haha. Ako. Eto. Mag-isa. Nagpapakatanga sa taong walang nararamdaman para sa akin. Bakit kasi ako nahuhulog sa maling tao?
Same topic nanaman oh. Tapos lumipat lang ako ng tab, nakalimutan ko na tong sinusulat ko. Short attention span. Dahil wala na din ako maisip at sa concentration magsulat, tatapusin ko na muna to.
Blog, expect mo na ganito mga posts ko for a while.
No comments:
Post a Comment