Sunday, July 12, 2015

(Meant) to Be or Not to Be

Madalang. Matumal. To think na bakasyon, marahil nakapagtataka na ngayon lang ulit ako nandito. Ang totoo niyan, takot lang talaga ako na ang susunod kong post ay katulad lang ng huli. Kakabackread ko kasi, nakita ko kung paano umiikot to the same thing, the same person, the same feelings, the same situation yung mga pinagsususulat ko. I was scared to know that I still feel the same after all this time.

And for this, at this hour, I decided to post thinking that I should avoid talking about it, but at the end of the day, it just feel like it's leading to the same thing.

Naniniwala akong hindi masama magkaroon ng feelings for someone. I believe that feelings are one of the truest things in the world. Though, mabilis siya magbago than other tangible things. Well, di din ako manhid. May mga nagsabi na ang taas ng standards ko pero ang totoo talaga, hindi. I might just be looking at a person from a different edge of a cube. Ang totoo niyan, naiinis talga ako sa sarili ko kasi ang bilis ko mahulog para sa isang tao. Feeling ko nga wala akong standards eh, basta parang random selection.

WAIT. Let me correct that. Naiinis akong madali akong magkaroon ng half-assed feelings for different people. Parang ganito, I love everyone, at the same time I don't. All or nothing, depende kung saan ang threshold ng oo at hindi. Or rather, 'gray feelings' siguro dapat at hindi black and white.

Isang example nito ay yung trust issues ko. Three things: first, I easily trust people, second, I find it hard and I'm too scared to trust people, third, I trust them anyway.

So anong point ko dito? Well, wala naman. Ang tanga ko lang. Parang lagi na lang I give my heart pieces away and get nothing but pain in return. I mean, di naman kasalanan ng sinuman yung pain kung hindi gawa ko din naman. Jealousy? Longing? Emptiness? Loneliness? Self-inflicted pain it is. So, ano namang napapala kong magkagusto kung kanikanino ng one-sided tapos maglalaan ng effort , ng panahon, ng kaunti ng lahat para lang hintayin yung panahon na mapunta sila sa iba? Or basta madikdik sa kokote ko na hindi mag-end up sa akin. Actually, from the start naman alam ko yun eh. I mean, hindi na kailangan ipamukha sa akin kasi from the time na nagdecide ako na di ako gagawa ng move, tanggap ko sa sarili ko na hanggang doon lang ako. At isa pa, possessing gray feelings means hindi ko din talaga sure kung gusto ko ba talagang may mabuong something. Minsan, nararamdaman ko lang na baka mas naiinlab ako sa complexities kaysa sa real thing. Feeling ko hindi pa talaga ako tunay na umibig at gumagawa lang ako ng kulay sa hindi ko maadmit na walang kwenta kong buhay.

Para bang nagpakawala ako ng mga kalapati tapos huhulihin ko.

Pero ayun. May moments na nakakaumay basahin yung paulit-ulit kong deklarasyon ng feelings kahit na paiba-ibang tao. KAYA NGA! Kaya nga gusto ko sanang iwasan muna.

Pero hindi mo din ako masisisi. Basta alam ko kung ano ibigsabihin ng sinasabi ko nung time na sinabi ko iyon kahit na hindi mo maintindihan. Iba kasi yung short-term at long-term na mga bagay. Baka nga. Even if feelings are true, they might be as good as nothing if they change real quick.   Sa sobrang sandali ng ibang moments, hindi ko na maalala lahat ng details at minsan, parang ang sarap na lang ideny. Hindi ko nga makita yung sarili ko sa ibang dati kong sinulat but they are a living proof. I mean, they exist and denying them means denying myself. So, walang bura-bura.

Kaya yan. Lagi ko din sinasabi sa iba yon. I mean, kung ganitong bagay ang bumabagabag sa akin, kaya yan. Kung yung dati nga parang wala nang bukas, pero andito pa din ako ngayon at okay naman. Malamang sa malamang, kung ano man meron ngayon, kung ano man itong mga bagabag sa akin, gawagawa ko man o di sinasadya, lahat ay magiging okay din. Everything will fall to their right places.

Naniniwala akong makakamtan din natin lahat yung tunay na kaligayahan sa piling ng importanteng mga tao sa atin. Yung uri ng tao na pahahalagahan yung kapirasong pagmamahal mo. Yung uri ng kalapati na, pagkatapos mo pakawalan, kusang mahahanap ang daan pabalik sa kinaroroonan mo.

No comments: