I will start blabbering about random current stuff just to get into the mood of blogging, for I have not done it in months.
Grabe start pa lang ng sem yung huling time ako nagblog! Eh, ang dami nang ganap, andami nang nagbago, andami nang moments na hindi ko nasulat. There, there future self if nakalimutan mo man yung mga iyon at wag mo sana isisi sa past self mo dahil hindi niya naiblog kasi naging busy siya. Intindihin mo na lang.
Anyway, random share number one, music-dependent pa din ako. Himala kasi hindi lumang mga kanta lang yung pinakikinggan ko. Legit, andami nang bago sa playlist ko compared sa dating ako na paulit-ulit lang, pabalikbalik sa nakaraan.
Ano pa bang bago sakin nayong sem? Ah, iyon, puro programming stuff ako ngayong sem. Iyon na ata pinakapeg kong matutunang skill ngayon. Nag-CS org ako tapos may tatlong programming class ako ngayong sem. Sobrang hassle! Pero masaya kahit papaano.
Tapos, random clingy-ness sa random people. May bagong set ng mga tao na naaattach ako. HUHUHU HERE WE GO AGAIN. Tapos lalo lang lumalaki distance ko sa ibang tao for some reason I don't know or I know but I'm not willing to find out.
Mga stress ko this season? hmm. Mostly ilalagay ko sa isang bukod na post, baka yung "One Liter of Litter" na post. That same old insecurity. :))
Ops! By the way, nabaon na sa baul yung after 2AM sessions. Iba na iyung tinutukoy ko sa future post na "Shirtsleeves". Abangan na lang.
On the other hand, part of me wants to give up on this sem pa din. Ironically, im relatively doing great naman. this sem is relatively one of my favorite despite all of those pesky requirements. I don't know. Siguro nagiging chicken nanaman ako. Siguro alam ko sa sarili ko na may danger pa din akong mawala next sem. I mean, as of now wala akong future. Dead end pa. Alam niyo namang isa akong tipo ng tao na plano ng plano pero this time talaga, I map a dozen of if-else statement pero none of it is really that certain. Pwedeng maging super EEE na ko next sem or magshift, or magLOA/AWOL, lumipat ng school, tumigil mag-aral o kung ano man. May extra thin na line sa two opposite edges of life. And I'm trying to be extra careful. :)
Anyway, sige na nga! :) Magpopost na din ako ng ibang supposed-to-be posted ko na na post. (That was a super redundant statement.) I'll try to remind myself of how I feel at certain moments na linipasan na ng panahon. Pero ayun, ongoing pa naman sila so may fresh feelings pa din na involved. :)
No comments:
Post a Comment