"I can taste salt water
And if I blink again
You'll be sinking in
So we'll learn to swim in the oceans you made
I'll hold ya and you'll think of him
And pretty soon you'll be floating away"
Hindi ko alam kung bakit kanta ni Ed Sheeran ang naisip kong title para sa post na ito, or alam ko pero di ako sure. Sa tingin ko ka kasi, may point na nakuha atensyon ko sa kanta habang nakuha mo din iyong atensyon ko. Wait, sino?
Habang pinapakinggan ko si Sheeran, oo ibang kanta iyong nagustuhan ko. Basta isang araw, napansin ko na ang cute ng kantang ito. Parang ang saya niya kasi parang ang pagkakaintindi ko pa eh pag malungkot ka andito ako para sa iyo.
Oops.
Mali yung pagkakaintindi ko. Hindi pala siya masaya. Hindi talaga. At mas lalo pa nitong kinuha ang atensyon ko.
Maiba tayo. Hindi ko din alam bakit ko inaassociate ang mga tao sa kanta. At so far, madami na akong naassociate sa'yo pero ito pinili ko muna because reasons. :)
LORD! SANA HINDI HINDI NIYA ITO MABASA KAHIT IPOST KO PUBLICLY SA NET HAHA! PERO SANA PAG NABASA NIYA EITHER HINDI NIYA MAGETS OR MAGSTAY KAMI AS FRIENDS. :) HUHU friends nga ba tayo? :( (haha, wala namang nagbabasa ng posts ko eh.)
Hindi ko talaga inaacknowledge na may gusto ako sa iyo pero parang dahil sa post na ito, oo na din. Hindi ko talaga kaya maging sure sa ganitong mga feelings and sorry about that. Basta ang alam ko may times na napapaisip ako dahil sa iyo and I care for you, kahit as friends.
Anyway, kilala naman na kita beforehand pero nagstart talaga iyon nung inaya kita sumama sa akin. Wala akong feelings nung time na yon ha, nagyaya lang talaga ako kasi wala akong kasama. Tapos nagkwento ako sa iyo. Tapos nagkwento ka din. Masyado akong stressed nung araw na iyon so legit talagang wala akong ibang iniisip nung time na iyon kung hindi sarili kong problema. After that, wala pa din talaga. Pero naging concerned ako as friend. Medyo nakuha mo atensyon ko. At in fairness, nag-enjoy naman ako sa company mo. Thanks nga pala kasi nakatulong ka para ma-ease yung nararamdaman ko that time.
(Ang kulit, so saan nga nagstart?)
Well, right after. Tinuloy mo lang iyong sinasabi mo at mas nakuha mo ang atensyon ko. Tapos napaisip na ako sa sinabi mo. Tapos, inisip ko na din iyong mga sinabi mo beforehand. Mas naintindihan ko habang iniisip ko pa lalo. That moment, gusto kita yakapin at sabihing magiging okay lang ang lahat pero ang random naman nun if ever.
A few days ata after that, may ibang incident na nangyari. Nagburst ka ng feelings sa harap ko. Friend, hindi ko alam gagawin ko. I tried my best comfort you pero ang hirap mo maniwala.
At siguro dito sa mga incident na ito nagstart nga lahat. Wait, inisip ko nga pala na ganyan ka in general. I mean, hindi lang sakin. Kung nagkataon na ibang tao kasama mo, same lang nangyari at same lang yung gagawin mo. I mean, I know I'm not special pero that doesn't matter naman.
Pero legit, kahit as a friend gusto kita isave but I am as powerless. Strong ka, iyon yung alam ko. pero ayaw kitang nakikitang malungkot. Okay lang sa akin na magkwento ka tungkol sa iba mong gusto pero sana iyong nagpapasaya sa iyo hindi iyong sinasaktan ka lang lalo.
Hindi ko sinasadya itong feelings na ito pero kahit as a friend I wanted to be there for you. I want to make you feel your worth. Ayaw kong dinodown mo sarili mo kasi hindi ka kadown-down. I know for a fact that you are amazing. Yes. And I think, that is one reason bakit hindi ko maiwasang magfall.
Super weird pag sinabi ko sa iyo iyong nararamdaman ko. Una, dahil hindi ako sure. Pangalawa, ewan. Basta madaming rason.
Sorry parang wala nang flow itong post ko. Isa ito sa pinakasabog kong post ever! Haha! Alas-kwatro na ng umaga at hindi pa ako natutulog. Kanina kasi wala ako sa mood magblog tapos inipon ko ulit iyong feelings ko masulat lang ito.
Anyway, going back to the topic, sure akong gusto kong maging close sa iyo. At oo, nasa stage ako ngayon na hirap na hindian ka pag may hinihingi kang favor kahit na medyo may nasasacrifice, hindi ko siguro maiiisip.
Tapos natatawa ako nung tinanong niyo ko kung sino mga crush ko, sumisigaw na yung damdamin ko ng "IKAW! IKAW!" pero syempre sinabi ko iyong ibang minor crush ko. Tapos natatawa din ako pag nagrereact ka sa mga pinopost ko naman na nagpepertain naman sa iyo. Wala lang, medyo funny.
As of now, this state, i think mawawala din ito. Phase lang ganyan, na medyo malaki magnitude. Huhu, sana hindi ka naiirita kung randomly makulit ako. Lagi ka kasing bitin magkwento.
LORD! PLEASE SANA TALAGA! ARGHHHH!!! OO, ILANG BUWAN NA ITONG INTERNAL STRUGGLE BECAUSE OF REASONS, KAHIT HELL WEEK KO DUMADAAN SA ISIP KO PERO NAGTAGAL SIYA NANG WALA AKONG PINAGSASABIHAN.
Ang ironic lang kasi. Bakit sayo pa? Bakit ikaw pa? Bakit sa ganitong season? Bakit sa ganitong situation? Bakit? Basta ang hirap iexplain kung bakit ako nagtatanong pero yung totoo, bakit nga?
Tulad ng nature ng post na ito ang takbo ng utak ko at ng situation ko. Wala pang kasunod. Bahala na bukas. Gustuhin man kita makita at kausapin hindi ko naman alam ano sasabihin at dapat gawin. Ewan ko, siguro presence mo okay na. Basta iyon yung mga wish ko for now. Sana maging close tayo lalo at sana makamit mo yung happiness. Kapag masaya ka in any way, masaya na din ako. :) At kapag malungkot ka, dito lang ako. :)
"When salted tears won't dry
I'll wipe my shirtsleeves
Under your eyes
These hearts will be flooded tonight
I'll wipe my shirtsleeves
Under your eyes"
:))
"...Your eyes, your eyes, your eyes, your eyes, your eyes."
No comments:
Post a Comment