Dear diary,
HAY
NAKO! NAKAKAINIS! Banaman, magma-Mcdo na nga lang, matatapon pa ang orange
juice ko na walang bawas. Sayang no? Lahat naman ng bagay sa mundo sayang pag
naisip natin kaagad na hindi ito worthwhile. Pero malay mo, ang sayang sa iyo, pangarap
ng iba.
Tulad na lang ng
mga makapigil hiningang mga pangyayari sa akin kanina na marahil sa iba’y isang
pangkaraniwang, walang kwentang mga segundo ng kani-kanilang buhay. Eh sino ba
namang taong hindi mabobother kapag kinausap ka ng crush mo ng harap-harapan,
at malapit na malapit sa mukha. Di nga ako makatingin ng diretso. AS IN! Oo na
tanga na ko. Gumising na din naman ako sa aking panandaliang panaginip habang
katabi niya ang girlaloosh niya. Ay oo, ang lahat ng iyon, wala lang sa kanya.
Binabasura lang niya lahat ng pinapangarap ko.
Haha, drama,
pwede na akong manalo ng best actress. Nako, marahil pwede nang pang-aniversary
special ng Maalaala mo kaya. Joke lang yun, echos lang, eto talaga ang totoong
storya.
One
day, isang araw, nagtanong ako sa matanda, “Bakit ganito po ang mga tao?”.
Madalian namang may sumagot sa akin, “Mayroon lamang dalwang uri ng tao sa
daigdig. Ang isa ay tagapagtanghal at ang isa ay ang tagapagmasid”. Inisip ko
mabuti ang sagot ng matanda. Isip. Isip. Wala nga pala ako nun. Maya-maya pa’y
naglakad-lakad ako sa kanto ng Palaris habang umuulan at ang buwa’y natakluban
na ng sandamakmak na mga ulap. Madilim. Kaya siguro tinawag na Diliman.
Nakakatakot. Parang walang katapusan ang aking nilalakad. At naisipan kong
aliwin ang sarili sa kanta ni Britney Spears para maibsan ang natatamasang
takot. Anong kanta? Circus.
“There’s only two types of people in the world. The ones that entertain and the ones that observe.” OMAYGAD! Dun pala galing yung sinabi ng matanda kanina! Sino namang matanda ang sasagot ng kanta ni Britney Spears? Weird. Okay, marahil wala nga kong nakausap na matanda. Marahil, gawa-gawa ko lang. But the point is, maganda si Britney! AY! Di pala iyon. The point is, may entertainer at observer talaga sa mundo. Saan ka kaya kabilang? The active? Or the passive? Ako kaya? Kayo na ang humusga. Pero seryoso, LSS ko yung theme song nung Anghelito, Batang Ama.

At heto,
nakarating na ako ng bahay habang walang modo kong inagaw kay AIREEN (a new
coined nick name for my roommate) ang kanyang laptop at ginawa ko tong random
thoughts. Not just random, dapat SUPER RANDOM. Ayan na nga eh, nangungullit
anung pangalan ng dish kung dish siya, di ko naman maisip. Ayun, after a few
moments, naging wildberry cheese kate. Labo. Pero mas malabo ako. At least
aminado. O siya, night night na, alas-syete pa klase ko, nakakainis.
MWAH
MWAH CHUP CHUP NIGHT NIGHT!
-KATKAT
No comments:
Post a Comment