Saturday, November 26, 2011

Pwede Muna Bang Maging Makasarili?

OO.

mahal kita.

eh anu naman? wala naman ako sayo di ba?

tanga tanga ko kasi.

lagi ko ngang sinasabi sa kapatid kong tigilan na niya yung crush niya dahil wala naman siyang mapapala, pero ako naman talaga tong tatanga-tanga.

bakit kasi sa lahat ng tao sa earth ikaw pa. pwede namang ung iba. yung mas natitipuan ko.

eh wala. kahit sino abutin ko, sayo ako nahuhulog.

wala akong ibang ginusto ng ganito. T_T ikaw lang. walang iba.

pero kasi, mayroon ka nang iba. at marahil, kahit wala kang iba, di mo pa din ako pipiliin. kahit ako na ung huling babae sa mundo, alam ko, di mo pa din ako pipiliin.

nakakainis. bakit puro siya na lang T_T. tayo naman. tayo naman. . . tayo na lang. . . kung pwede lang. . .

pero hindi, andyan siya, andyan ka sa tabi niya.

bagay kayo, nagkakagustuhan kayo. edi kayo na!

ako dito lang, magisa, pagmamasdan ka sa malayo at papangarapin ka ng paulit-ulit

hanggang pangarap lang,


kahit papaano, nagpapasalamat ako sayo,
at least magkaibigan tayo

pero sa lahat ng kaibigan mo, ako nang pinakabitin sayo

ikaw kasi, kung ako pinili mo, pangako, gagawin ko lahat, lahat, lahat,

wala na naman akong ibang bagay na gugustuhin pa, kasi ikaw lang naman gusto ko

tayo na lang kasi T_T

kung alam mo lang talaga

haha, baka nga alam mo naman,

pero kung anu mang nalalaman mo, higit pa ito doon.

sobrang daming panahon ang iniukol ko sayo

sobrang daming pagkakataon ang isinakripisyo ko

para sa wala.

kasi nga the word "tayo" does not exist

ang sakit kasi minsan. makita kang masaya sa iba. wala naman kasi akong karapatan.

bahala na.

ipaubaya na lang sa tadhana.

pipilitin ko na lang maging masaya kung nasaan ka ngayon.

kasi yun ang tama.

______________________________________________________________

HAHA.

Isang blogpost na matagal na sa drafts ko. Natatawa na lang ako ngayon.

Ito kasi yung mga araw na infatuated pa din pala ako sa taong yun nang di ko alam.

At kasi, halo-halo na yung nararamdaman ko sa iba't ibang mga bagay kaya nasasabi ko lang yan.

Kaya nga di ko pinopost eh kasi alam ko, baka nagsasalita lang ako out of nowhere. Di ko nga sure kung mahal talaga yun. I guess not. Gusto lang yun. Gusto ko lang siya ng sobra. Pero di mahal.

In fairness naman kasi kay koya. Siya lang naman talaga yung ultimate inspiration ko sa buong college life so far simula first year di ba? Di ko alam bakit eh. Kaya nga ewan ko eh. Attracted lang talaga ako sa charms niya kahit alam kong jerk siya.

Wala. Over na to. Ipopost ko lang din. Nang minsan naisip ko din itong mga bagay na to. haha. Pero tinatype ko kamo yan straight from the heart. OA lang siguro ako niyan ng kaunti. Dramahan. Ewan. Kaya nga yan yung title eh. Walang pakielamanan. Walang basagan ng trip.

Kayo na humusga. haha.

-January 1, 2013

No comments: