hi!
Hiiiiiiiiiiiiiii!
Sabi ko kasi sa sarili ko di muna ako magpaparamdam sa social media sites pero andito naman ako no. galing galing.
Well, nastress na ko madear! Deadline ng report ko sa Wednesday at wala pa kong nagagawa ni isang sentence. Di pa nga ako tapos magbasa, nasa kalahati pa lang ako. JSQLRD! SEND HELP! MAGPAPAMEDICAL PA KO BUKAS NG UMAGA.
Seryosoooo. Seryosoooo andami dami ko dapat time bakit ako nagcracram. Seryosooo ang aga ko nagsimula dito. TAKTE NAMAN SELF ANUBA. MAY TIME KA PA UMARTE ARTE AT MAGFEEL TRIP FEEL TRIP JAN TULA PA MORE. DI BA IMPORTANTE TO SAYO. DI BA ETO YUNG HINIHINTAY MO MATAGAL NA.
GAAAAH. di ko deserve ng kausap. di ko deserve ang simpatya ng mga tao. kailangan ko magpakamanhid, numunok ng hangin at tapusin to once and for all. pero lol andito pa ko sa blog HAHA. talino.
Alam mo ba, nagkatime pa ko magbackread sa blog ko nung weekend. #damingtime Napadpad nanaman ako dun sa mga dati ko pang mga post na (kung di tungkol sa kahangalan sa pagibig) tungkol sa pressure, stress, depression, anxiety, suicide.
Naisip ko kaninang umaga, na ang isang pumipigil sakin magsuicide dati ay yung mere fact na lumaki ako thinking kasalanan magsuicide at takot ako gumawa ng mali. Takot din ako mamatay actually. Takot ako magpatalo sa depression kasi yung pride ko at yung pressure ng mga tao at parents. Takot ako sa sasabihin nila o makabitan ang pangalan ko ng something na di maganda. Wala lang. Nabuhay ako sa takot sa lahat ng bagay. Tapos ng phase na yun, mababawasan ka ng pake. Pero di ko kayang di maniwala sa something. At naniwala ako na may pag-asa habang may buhay.
Wala lang. Bigla ko lang naisip ito kasi napaisip ako sa recent kong narinig na non-verbatim na nagsasabing "excited akong malaman ang ending (ng life) " at may isa pang nagsabi na "what matters to God is the journey".
Naisip ko lang na siguro di ako matapang pumatay, at mixed feelings ako sa tao na kaya, leaning to humahanga ako sa tapang pero kasiiii. Nagtatalo pa din yung morals ko about killing and suicide.
Kasiiii ewan ko ba. Mahirap baguhin ang columns ng basement ng building. Pundasyon yun.
I mean, kapag andun ka sa depression, may phase ka na wala nang nagmamatter ni boses kahit nino. Journey pa bang matatawag kung tumigil yung barko mo sa gitna ng karagatan, walang hangin, walang alon, wala. O kaya may napakalaking maelstrom at stuck ka lang doon paikot ikot. Alam mo nang walang magbabago, wala nang nagmamatter, bakit di pa tapusin?
Sinasabi ko lang na stigma ang suicide. Pero, sa akin ayaw ko isipin na sila ang kriminal. Sila ang biktima. Ang murderer ay yung mental illnesses.
Swear, kinikilabutan ako kahit sa fact na sinusulat ko ito. Hindi ako comfy masyado sa topic na ito. I try to be. Kasiii, alam ko naiintindihan ko yung mga taong may stigma sa mental illness at suicide. Kasi alam ko din ang pakiramdam ng sobrang depression.
Gagi may sobrang existentialist akong phase na dinadoubt ko lahat ng bagay. Solipsism. Not that I am sure of things now though.
May sobrang tindi akong social anxiety dati grabe. Pero dahil nga may stigma at mukha akong friendly friendly at confident na tao at i dont want to look bad sa parents ko at sa mga tao. shut up lang si aqoez.
HUHUHU PLEASE LANG NAMAN. Bakit ba ang lalang extroversion ang nakikita sakin ng mga tao. GUIZE! BAKIT BA LAGI AKONG NAMIMISINTERPRET OR NAPAGKAKAMALAN. anyway, di ko kayo masisisi kung yun lang nakikita niyo kasi extroversion nga eh so duh di niyo makikita yung other things unless close tayo. pero, grabe najujudge agad ako na basta. like, minsan tinuturing ko na kaclose, tapos pag tingin mo pa din sakin mababaw na walang sense, lalayulayo muna ako hahahaha. joke lang beshies.
actually, lumaki akong walang definite alloted comfortable space. wala akong sariling kwarto, mga ganto lang virtual virtual diary diary lang. So i think next best ay understanding friends haha. huhu.
july 31, 2017 habang nakahiga sa kama nagmumukmok about life
No comments:
Post a Comment