Friday, November 28, 2014

Watershed Transform

Ang sabaw ng una kong post tungkol sayo. Hindi ko alam. Nung binasa ko ulit, ang sabi ko na lang "WHUUUUT?!?!"

Anyway, wala pa akong naisip na tag para dito. Saka na. Edit ko na lang. Pati nga title ng post ko eh, ang random. Sorry, after effect siguro sa akin ng CoE 123 Exam. Pero bukod dun, kasi water, tapos shed, gets mo na yun.

ANYWAY ULIT, siguro dahil sa kakarelate ko sa iyo sa bodies of water, required na ata na ang post ko related sa iyo ay sabaw. HAHA.

ETO TALAGA, seryoso na.

Alam ko naman na eh. Sinabi mo from the start. Nilinaw mo ang never-ending line sa gitna nating dalawa. From that moment, sabi ko na walang patutunguhan ito. Pero wala pa din, di tumalab ang mga babala ko sa sarili at nagtuloy pa din ang damdamin sa kanyang kahangalan patungo sayo.

Tapos dumating ako sa point na hinahanap na kita. Hindi ko mapigil yung sarili ko tignan ang presence mo at hintayin ka matulog. Ano yun, routine? Well, di naman lagi. Di kita laging gusto. Pero ayon minsan, tulad ngayon. HAY NAKO! Balita ko kasi, kahapon nakapagdecide na akong iwasan ka or ilimit na yung atensyon ko sa'yo. Pero pusang gala ang hirap. 

Ngayon nga eh, hindi ko alam. Feeling ko sumosobra na ako kaya naisipan kong itigil na. Pero naiisip ko pa lang na gagawin ko, bigla kitang naiisip, biglang parang hindi ko kayang gawin, lalo na ngayon, minsan na lang kita makita.

Seryoso, nakakamiss. At nakakainis kasi nakakamiss. Akala mo andami nang pinagdaanan eh pero wala naman talaga at feeling ko wala talaga akong karapatan makamiss o makaramdam ng kahit anong extreme feelings para sa iyo. At naiinis ako sa sarili ko dahil doon.

BAKIT GANITO! Bakit ang hirap? Bakit may kirot? Bakit?

BAHALA NA!

Matatapos na ang sem. Baka makalimot din ako sa bakasyon. Pero sana wag na maulit yung dati na lumala pagbalik. HAHA.

Mapaglarong tadhana, ano bang gusto mong mangyari? Bakit tayo gumagawa ng mga bagay na nakakasakit sa sarili?

Sorry dahil nahuhulog ako sa iyo, hindi ko sinasadya. Sorry sa lahat ng abala. Sorry kung hindi ko din kaya maging enough para sa iyo. Sorry kung hindi ako ang kailangan mo.

Sa sobrang kakaisip ko sa mga bagay na ito, nagimpulsive sama na lang ako sa fieldwork kahit na may exam ako sa lunes. Magpapakalunod na lang ako sa dagat doon. Ilulubog ko kasama ng feelings ko para sa iyo.

HAY! Mag-aaral na nga lang ako.


Wednesday, November 19, 2014

Shirtsleeves

"I can taste salt water
And if I blink again
You'll be sinking in
So we'll learn to swim in the oceans you made
I'll hold ya and you'll think of him
And pretty soon you'll be floating away"

Hindi ko alam kung bakit kanta ni Ed Sheeran ang naisip kong title para sa post na ito, or alam ko pero di ako sure. Sa tingin ko ka kasi, may point na nakuha atensyon ko sa kanta habang nakuha mo din iyong atensyon ko. Wait, sino?

Habang pinapakinggan ko si Sheeran, oo ibang kanta iyong nagustuhan ko. Basta isang araw, napansin ko na ang cute ng kantang ito. Parang ang saya niya kasi parang ang pagkakaintindi ko pa eh pag malungkot ka andito ako para sa iyo.

Oops.

Mali yung pagkakaintindi ko. Hindi pala siya masaya. Hindi talaga. At mas lalo pa nitong kinuha ang atensyon ko.

Maiba tayo. Hindi ko din alam bakit ko inaassociate ang mga tao sa kanta. At so far, madami na akong naassociate sa'yo pero ito pinili ko muna because reasons. :)

LORD! SANA HINDI HINDI NIYA ITO MABASA KAHIT IPOST KO PUBLICLY SA NET HAHA! PERO SANA PAG NABASA NIYA EITHER HINDI NIYA MAGETS OR MAGSTAY KAMI AS FRIENDS. :) HUHU friends nga ba tayo? :( (haha, wala namang nagbabasa ng posts ko eh.)

Hindi ko talaga inaacknowledge na may gusto ako sa iyo pero parang dahil sa post na ito, oo na din. Hindi ko talaga kaya maging sure sa ganitong mga feelings and sorry about that. Basta ang alam ko may times na napapaisip ako dahil sa iyo and I care for you, kahit as friends.

Anyway, kilala naman na kita beforehand pero nagstart talaga iyon nung inaya kita sumama sa akin. Wala akong feelings nung time na yon ha, nagyaya lang talaga ako kasi wala akong kasama. Tapos nagkwento ako sa iyo. Tapos nagkwento ka din. Masyado akong stressed nung araw na iyon so legit talagang wala akong ibang iniisip nung time na iyon kung hindi sarili kong problema. After that, wala pa din talaga. Pero naging concerned ako as friend. Medyo nakuha mo atensyon ko. At in fairness, nag-enjoy naman ako sa company mo. Thanks nga pala kasi nakatulong ka para ma-ease yung nararamdaman ko that time.

(Ang kulit, so saan nga nagstart?)


Well, right after. Tinuloy mo lang iyong sinasabi mo at mas nakuha mo ang atensyon ko. Tapos napaisip na ako sa sinabi mo. Tapos, inisip ko na din iyong mga sinabi mo beforehand. Mas naintindihan ko habang iniisip ko pa lalo. That moment, gusto kita yakapin at sabihing magiging okay lang ang lahat pero ang random naman nun if ever.

A few days ata after that, may ibang incident na nangyari. Nagburst ka ng feelings sa harap ko. Friend, hindi ko alam gagawin ko. I tried my best comfort you pero ang hirap mo maniwala.

At siguro dito sa mga incident na ito nagstart nga lahat. Wait, inisip ko nga pala na ganyan ka in general. I mean, hindi lang sakin. Kung nagkataon na ibang tao kasama mo, same lang nangyari at same lang yung gagawin mo. I mean, I know I'm not special pero that doesn't matter naman.

Pero legit, kahit as a friend gusto kita isave but I am as powerless. Strong ka, iyon yung alam ko. pero ayaw kitang nakikitang malungkot. Okay lang sa akin na magkwento ka tungkol sa iba mong gusto pero sana iyong nagpapasaya sa iyo hindi iyong sinasaktan ka lang lalo.

Hindi ko sinasadya itong feelings na ito pero kahit as a friend I wanted to be there for you. I want to make you feel your worth. Ayaw kong dinodown mo sarili mo kasi hindi ka kadown-down. I know for a fact that you are amazing. Yes. And I think, that is one reason bakit hindi ko maiwasang magfall.

Super weird pag sinabi ko sa iyo iyong nararamdaman ko. Una, dahil hindi ako sure. Pangalawa, ewan. Basta madaming rason.

Sorry parang wala nang flow itong post ko. Isa ito sa pinakasabog kong post ever! Haha! Alas-kwatro na ng umaga at hindi pa ako natutulog. Kanina kasi wala ako sa mood magblog tapos inipon ko ulit iyong feelings ko masulat lang ito.

Anyway, going back to the topic, sure akong gusto kong maging close sa iyo. At oo, nasa stage ako ngayon na hirap na hindian ka pag may hinihingi kang favor kahit na medyo may nasasacrifice, hindi ko siguro maiiisip.

Tapos natatawa ako nung tinanong niyo ko kung sino mga crush ko, sumisigaw na yung damdamin ko ng "IKAW! IKAW!" pero syempre sinabi ko iyong ibang minor crush ko. Tapos natatawa din ako pag nagrereact ka sa mga pinopost ko naman na nagpepertain naman sa iyo. Wala lang, medyo funny.

As of now, this state, i think mawawala din ito. Phase lang ganyan, na medyo malaki magnitude. Huhu, sana hindi ka naiirita kung randomly makulit ako. Lagi ka kasing bitin magkwento.

LORD! PLEASE SANA TALAGA! ARGHHHH!!! OO, ILANG BUWAN NA ITONG INTERNAL STRUGGLE BECAUSE OF REASONS, KAHIT HELL WEEK KO DUMADAAN SA ISIP KO PERO NAGTAGAL SIYA NANG WALA AKONG PINAGSASABIHAN.

Ang ironic lang kasi. Bakit sayo pa? Bakit ikaw pa? Bakit sa ganitong season? Bakit sa ganitong situation? Bakit? Basta ang hirap iexplain kung bakit ako nagtatanong pero yung totoo, bakit nga?

Tulad ng nature ng post na ito ang takbo ng utak ko at ng situation ko. Wala pang kasunod. Bahala na bukas. Gustuhin man kita makita at kausapin hindi ko naman alam ano sasabihin at dapat gawin. Ewan ko, siguro presence mo okay na. Basta iyon yung mga wish ko for now. Sana maging close tayo lalo at sana makamit mo yung happiness. Kapag masaya ka in any way, masaya na din ako. :) At kapag malungkot ka, dito lang ako. :)

"When salted tears won't dry
I'll wipe my shirtsleeves
Under your eyes
These hearts will be flooded tonight
I'll wipe my shirtsleeves
Under your eyes"


:))


"...Your eyes, your eyes, your eyes, your eyes, your eyes."

Tuesday, November 18, 2014

Getting Into the Mood Again

I will start blabbering about random current stuff just to get into the mood of blogging, for I have not done it in months.

Grabe start pa lang ng sem yung huling time ako nagblog! Eh, ang dami nang ganap, andami nang nagbago, andami nang moments na hindi ko nasulat. There, there future self if nakalimutan mo man yung mga iyon at wag mo sana isisi sa past self mo dahil hindi niya naiblog kasi naging busy siya. Intindihin mo na lang. 


Anyway, random share number one, music-dependent pa din ako. Himala kasi hindi lumang mga kanta lang yung pinakikinggan ko. Legit, andami nang bago sa playlist ko compared sa dating ako na paulit-ulit lang, pabalikbalik sa nakaraan.


Ano pa bang bago sakin nayong sem? Ah, iyon, puro programming stuff ako ngayong sem. Iyon na ata pinakapeg kong matutunang skill ngayon. Nag-CS org ako tapos may tatlong programming class ako ngayong sem. Sobrang hassle! Pero masaya kahit papaano.


Tapos, random clingy-ness sa random people. May bagong set ng mga tao na naaattach ako. HUHUHU HERE WE GO AGAIN. Tapos lalo lang lumalaki distance ko sa ibang tao for some reason I don't know or I know but I'm not willing to find out.


Mga stress ko this season? hmm. Mostly ilalagay ko sa isang bukod na post, baka yung "One Liter of Litter" na post. That same old insecurity. :))

Ops! By the way, nabaon na sa baul yung after 2AM sessions. Iba na iyung tinutukoy ko sa future post na "Shirtsleeves". Abangan na lang.
On the other hand, part of me wants to give up on this sem pa din. Ironically, im relatively doing great naman. this sem is relatively one of my favorite despite all of those pesky requirements. I don't know. Siguro nagiging chicken nanaman ako. Siguro alam ko sa sarili ko na may danger pa din akong mawala next sem. I mean, as of now wala akong future. Dead end pa. Alam niyo namang isa akong tipo ng tao na plano ng plano pero this time talaga, I map a dozen of if-else statement pero none of it is really that certain. Pwedeng maging super EEE na ko next sem or magshift, or magLOA/AWOL, lumipat ng school, tumigil mag-aral o kung ano man. May extra thin na line sa two opposite edges of life. And I'm trying to be extra careful. :)


Anyway, sige na nga! :) Magpopost na din ako ng ibang supposed-to-be posted ko na na post. (That was a super redundant statement.) I'll try to remind myself of how I feel at certain moments na linipasan na ng panahon. Pero ayun, ongoing pa naman sila so may fresh feelings pa din na involved. :)