Sunday, March 9, 2014

Sparks: After 2 AM (part 8)

Ang puso kapag may matinding feelings, tumatakbo na parang speed of light, kaya siguro tinawag na "sparks".


"Head over feels. Head over feels. Mind over matter. Head over feels" Ito na lamang ang lagi kong sinasabi sa sarili ko. Isang excuse para sa kaduwagan ko para harapin ang mga bagay na hindi ko kayang harapin at aminin ang mga bagay na di ko maamin.

Pero ngayon, taliwas sa mga sinabi ko sa past, heto ako ngayon, susubukang harapin ang problema kong ito. Ano pa bang sense? Kahit magforward or backward ako, parehas lang na may sakit.

Ewan ko. Kapag naramdaman mo itong sparks di mo talaga sure kung gaano kalegit, pero enough para sabihing may naramdaman ka at huwag mo ito ipagkakaila. Iyon na iyon, impulse para gumawa ng katangahan taliwas sa head over feels na iyan. Impulse na nagdidistinguish ng conviction at preference. Impulse para makapaggather ng strength, ng courage that you didn't know you have. And yes, I wanted to tell you despite all the risks and restraints. I wanted to tell you this.

I don't know about tomorrow, but at least I know that I like you now.

And I guess not only now but for a while now. And, I'm not expecting anything in the future. I just want to tell you so that I can let go of this large baggage. If you are happy with another person, it's fine, or at least I'll be trying my best to be fine.


Saturday, March 1, 2014

After 2 AM (part 7) (at may halong ibang bagay)

Ugh! Ang sakit sakit pa din. Taliwas man sa sinabi ko sa huling After 2 AM session, nilalabas ko lang ang honest feelings ko.

Sa kada semestre na dumadaan ang event na ito, may nangyayaring nakakaapekto sa akin. Natrauma na nga ako eh, kaya sabi ko hindi na lang ako pupunta tulad nung mga past sems. Isang hinanain ko diyan eh, pagkatapos, laging wala akong mapuntahan. Ganoon lang siguro talaga ako kamalas. Ganoon lang din siguro na nagkakataon na sa tuwing araw na iyon nangyayari. Himala nga may sinamahan ako ngayong gabi. Ipinagpalit ko pa sa isang mahalagang event the next day, na kapag pumalya ay maaaring ikasira ng kinabukasan ko. Pero may kaunting trauma pa talaga ako kaya hindi ako masyadong nakihalubilo. Anyway, gusto ko lang inote yung NAKAKABADTRIP NA GUARD NA HINDI KAMI PINAPASOK NG LAMPAS ISANG ORAS. EPAL MO!

Okay. Seryoso na. I'm getting a little bit ahead of myself. Sorry talaga. Hating-hati iyong buong atensyon ko buong gabi. Mga mata ko na nakatingin sa harap pero ang pakiramdam at isip ko, nasa likod. Dinistract ko na lang sarili ko. Mali talagang magreact ako, alam ko. Kaya sorry talaga. Gusto ko lang ilabas ng kaunti. Wala akong balak mamigil ng kahit ano o magpush ng kahit ano.

Masakit lang talaga na makita.

Pero pangako, makakaget-over din ako. Pramis.