Ang totoo niyan, hindi ko alam.
Naiipit ako sa gitna ng aking kagustuhang bumagal ang oras at bumilis ang takbo ng mundo. Gusto ko sanang lumipas ang mga araw na parang buhangin na ihihipin ng hangin hanggang sa ito'y tuluyang maging parte nito. Gusto ko din sanang wag nang dumating ang bukas na tulad ng pagdating ng ngayon. Ang dami dami kong gusto, pero wala naman talaga akong magagawa kung hindi sumabay sa tunay na daloy ng panahon.
No comments:
Post a Comment