Asa pa.
Wala na akong ginawa kung hindi ang umasa. Patuloy na lamang akong kumakapit sa mga bagay nang di ko man lang alam kung mayroon ba talaga akong pinanghahawakan. Nakakasawa din. Nakakapagod. Pero nandito kasi ako sa punto na ayaw ko umayaw.
Oo, ngayon kasi kahit anong hirap na ang dinaranas ko, alam ko gusto ko ito. Grabe lang ha. Kung kailan ganito ako, tsaka ko nararamdaman na gusto na akong paalisin dito. Hindi ko na alam saan ako pupulutin. Hindi ko na alam kung may patutunguhan pa ang mga bagay na pinaghihirapan ko. May silbi pa ba ang mga bagay na pinahahalagahan ko.
Minsan na nga lang ako lumaban tapos ganito pa. Kailan ko ba talaga makakamit ang bagay na para talaga sa akin. Kailan?
Haha. Alam ko walang makakasagot ng tanong ko. Di ko alam. Haha. Iyak na lang.
Malalaman ko din yan. Naiinip lang siguro ako ngayon. Makakatikim din ako ng tunay na kaligayahan.
No comments:
Post a Comment