I know it's weird, but I'm actually talking about my summer.
Ni ako, di din mawari bakit ulan pa ang naging highlight ng summer ko. Ang init naman. Siguro mas malalim pa ang dahilan sa inaakala ko.
Summer classes. kakaiba. Akala ko kasi, isa itong pagkakataon para magpaka-GC. Medyo matagumpay din naman ako dun pero di pa din kasi ako nakuntento. It's like everyday's the same. I'll walk to my PE class na line dance na uber cute at may uber cute na prof. Tapos, maglalalakad ulit. Tapos, magmath class at maglarolaro sa sunken. wait. may nalagpasan ano. yung makasama siya halos araw-araw. Oo nga no. Madami pala kaming nagsasama-sama sa mga oras na iyon ng araw pero ikaw lang nakikita ng mga mata ko. Ano bang nangyari sakin?
Araw-araw na lang. Lagi na lang. Ikaw yung tuwing kausap ko, wala nang ginawa kundi i-bully ako. Tapos, ang yabang yabang at ang cold. Ang landi pa sa girls pero medyo nagbago. Napaka vain. Pero bakit ikaw pa din?
Naalala ko na. Ikaw nga pala ay gusto ko nung first sem pa. Medyo nawala lang dahil din sayo. Pero bakit parang bumalik yung pakiramdam? Tama! Oo nga! dahil nga pala sa isang sagradong larong ako ang pasimuno. Akala ko kasi wala na kaya ayos lang sabihin na ikaw pero hindi pala. Nagulumihanan lang ako at lalong nag-isip sa'yo.
Para sa akin, malungkot ang ulan. Mag-isa ka. Nababasa. Nilalamig. Basta ganun lagi ang naiimagine ko kapag naiisip ko ang ulan. Para sakin ba'y kalangitan din ay lumuluha. Eh, Bakit ba? Ba't di ko maiwasan malungkot gayong masaya naman ang iba?
Well, its the same reason why I wanted to give up before. I'm in love with you. But she's with you. Well, she's my friend. I'm really happy for her. Pero aaminin ko. Masakit. Ayos lang. At saka, on the first place, sino ba naman ako, hindi ba?
Di ako sanay na kinakausap niya ko ng matino. Kasi nga di ba, pambubully niya ang kinasanayan ko. Pag naninibago ako, basta lumalayo ako. Ayaw ko kasing manggulo. Ako lang din naman kawawa. Kahit medyo mahirap iwasan. Ikaw lang kasi. Pinilit kong ibaling kung kani-kanino pero ikaw lang talaga. Natamaan ako ng kalaban ni batman.
Huwag nga kayong mag-isip ng iba diyan. Ang gusto ko lang, maging magkaibigan tayo. Closer. Where forever is possible. Tapos, alam ko, dadating din ang panahon na mababaling ko din ito sa iba. Medyo matatagalan lang. Kung di pa din, ibabaling ulit sa iba pa. basta bahala na.
Basta, magiging masaya din ako. Lalo na pag masaya kayo. Sana ganun na lang kadali. Kesa sinisiwalat ko tong katangahan ko. Eh, so? malapit na din naman magpasukan ulit eh. Iba-iba na yung makakasama ko sa mga panahon na walang maggawa. Baka kako naover-exposed lang ako sa iyo at masyadong nag-iisip kaya nagkakaganito. Mukhang medyo tama din ako kasi medyo nabawasan nung nagbakasyon. Pero, kahit nawala na ang bagyo, may ulan pa din.
Nauulanan ako kahit tirik ang araw. Nauulanan ako kahit may bubong. Nakikiayon ang kalangitan sa damdamin ko. Asahan niyong gigising din ako sa panaginip na ito.
No comments:
Post a Comment