sa loob ng isang linggo (at installment ang pagsulat ko nito kasi tuluy-tuloy ang buhay kaya sobrang sabog nito for sure), ANG DAMING GANAP!
Una, bumalik ang ulan, ngunit hindi na siya tulad dati na parang bagyo.
Sabi ko nga sa kalangitan na wag saking ipamukhang may tadhana dahil baka maniwala ako. Pero heto, sige pa rin siya sa pagpapaniwala sa akin na may forever.
"kalimutan mo na yan. hindi ka niya mahal." sabi nga ng katabi ko ngayon. Pero heto, hindi man ako umaasa, ay hindi naman din ako makalimot.
Dapat talaga nagsusulat ako ngayon ng write-up. HAY NAKO. pero heto ako kung anu-ano ginagawa ko. Hahaha. Nakakatawa. Pinagawa mo pa ako ng write-up, eh, hindi ko alam kung anong isusulat ko. Or nakakatawang ang dami ko nang blogpost tungkol sa'yo at hindi kita magawan ngayon ng write up. Kuha ka na lang kaya ng isang post. :)) Joke lang. Pero swear, natatawa ako habang iniisip ko kung ano isusulat kong topic haha. (Friday ko ito nasulat at supposedly Saturday yung deadline pero namove ng Monday. Mga sentences after nito, mga after 2 weeks ko na nasulat kaya nag-ba na yung thought.)
NagYOLO night pa ako at hindi ko nagawa yung write-up ng Friday. Sino kasama ko? Nostalgic nga eh. Karamihan sa BERKS kasama. Okay naman. Masaya naman ako. Nagstarbucks after at Mcdo hanggang umaga at boom kung anu-ano nasulat ko. Nung mag-isa na ako sa Mcdo para akong tanga sa public kasi naiyak ako nung may nabasa akong mensahe ng kaibigan kahit na ang sabaw-sabaw. Nostalgic talaga eh. Yung kahit na di talaga maganda memories ko kasama ang berks, eventually hinahanap mo din. Ewan. Ang dami din kasing nagbago sa akin at hindi ko maiwasan isipin yung what if itong Kay-anne yung nakasama nila. Regardless of that, masaya ako na may kaibigan ako na tinanggap ako regardless ng multiple transformation niya at ako.
Anyway, nasulat ko naman yung write-up at tinanggap ng mga tao yung mga sinulat ko. Well yung isa naging honest ako ng kaunti at pinabago niya haha. Yung isa pa parang nagtapat na ko pero binago ko na din kasi ang boring.
ANYWAY, balik sa first part ng linggo. Napaisip ako sa future ko in so many perspectives. Inisip ko lang ulit mga nangyari buong linggo kasi noong buong weekend halos magkulong lang ako sa kwarto na ang kinakain lang ay ang inimbak kong pandesal. Hindi ko na talaga alam. Nag-eexist pala ang mga trabahong sa labas ng academe na possible na magustuhan ko. Napaisip tuloy ako kung magwork ba ako next sem or mas mabuti bang magchill kasi buong buhay ko naman magtratrabaho naman ako. (Decision kong ito regardless ng ulan. Mabilis din naman nawala yung feeling. Nashock lang ako sa ulan.)
Same thing sa takot ko sa elevator. Takot ako sa nararamdaman ko. Takot akong mareject. Takot ako in general. Buti na lang nakakalmado ako kapag andiyan ka. Pwede bang forever ka na lang dyan? Mas takot akong mawala ka. Kaya from time to time, bigla bigla akong nagcocompose at nagschedule ng dapat sasabihin ko sa iyo dahil gusto kong maging honest. Pero kasi pag kasama ko talaga yung mga certain people na yun nadidiscourage din ako. Sobrang nalulungkod ako pag nabribring up nila yung topic. Haha. Hindi ko naman maexplain sa kanila.
Paano ba? Ewan ko. Basta yan naisip ko nun. Bahala na si Carly Rae magexplain.
No comments:
Post a Comment