At syempre kung kailan cramming at hectic ang schedule, doon magsusulat ng bagong kabanata ng buhay. Tunay ngang kay rami rami kong panahon. At anong gagawin ko dito? Wala kundi pawang mga paglalahad ng sarili kong mga kahangalan.
Usually kasi, I mean, recently, masaya na ako lagi. As in walang nakakapigil sa akin. Pero yung mga mas recently, daig ko pa ang RF signals sa bilis ng voltage swing. Literal na nakangiti ako at wala pang five seconds ay matatakpan na ito ng inis at di ko man lamang namalayan na nawasak ko na yung plastic container na hawak ko. Pero masaya pa din ako, kahit papaano.
Mas madali lang ako madisappoint recently at hindi ko sure kung bakit. Naisip ko na ang root lang naman ng disappointment ay expectations that were not met so probably, I was hoping for something that I can't get. In short, ang tanga tanga ko.
Ewan ko. Mainisin ako recently pati. Naneuneutralize niya yung happiness ko. At puyat ako ngayon kasi maaga akong gumising kanina tapos natraffic pa din. Nafeefeel ko yung bigat ng eyelids ko at yung lalim ng circles sa ilalim ng mata ko.
Tapos, wednesday pa bukas. Ayaw ko ng wednesdays :< Wala kasi akong friends masyado. Tapos basta hassle pag wednesday. Let it be any other day but wednesday :<
JUICE COLORED SANA MATAPOS NA TONG WEEK NA TO GULONG GULO NA UTAK KO. Sana din matapos na yung kabilaang batikos ng mga tao sa isa't isa dahil ang hirap pumagitna. Ang hirap na naiintindihan mo both sides at ang hirap na manahimik. Ang hirap din magsalita. Ang hirap gumalaw, nakakasakal. Ang hirap ng hindi mo alam pananaw mo. Ang hirap lang talaga. UGH.
Stress.
I mean di pa sobrang laki na stress pero ngayon lang ulit ako nakaranas ng ganito for some unknown reasons kasi walang binanbat yung pinagdaanan ko in the past dito. Wala pa ngang nangyayari bakit ba stressed na ko.
Malay.
Magiging maayos din lahat. Sana. Hai.
Pasensya ka na sa mga walang katuturan kong mga reklamo sa buhay.
No comments:
Post a Comment