Wednesday, March 11, 2015

Patay na Linya

DIYOS KO LORD! ANG DAMING GAGAWIN NAKAKAMATAY NA! WALANG PAHINGA PAHINGA MAY SAKIT PA KO MAYYYGAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAHHHHDD!!!!!


Hinga.

Nakakainis ang daming gagawin. Acads pa lang ang daming deadlines. Ang daming exams. Ang daming bagay. Hindi ako makasunod. HIndi ko alam uumpisahan. Tapos ngayon pa sakto yung madaming gagawin din sa ibang bagay. ARGHHHH! Nakakapagod. Drained na drained na ako.

Hinga.

Paano ba ko mag-uumpisa? Paano ko ba ito ihahandle ng maayos. Gagi. Bawal na bumagsak. Please naman wag ganun. Gagi. UGHHHHHHHHHHHHHHHHHH!!!!!!!!!!!


Sorry sa mga org ko hindi ko kayo maasikaso at nagpapabaya ako pero grabe kasi mismong priority ko hindi ko matake so intindihin niyo na ako. Gusto ko sabihin wag niyo muna ako gambalain ngayon. Pero hindi ko din alam kailan ako pwede bumawi kasi last sem di ko din kinaya at sinabi ko ngayon ako babawi. Apparently hindi ko pala kaya.

Hinga. Wew.

Help me. T_T Anyone. T_T Ang hopeless ko.

Hindi naman ako malungkot. Pagod lang talaga ako. Pagod sa lahat. Pagod din sa mga taong nakakapagod isipin na dapat di ko na ginagawa. Pagod sa mga gawaing hindi ko din makita yung sense. Pagod kahit sa mga bagay na mahalaga sakin. Kasi, pagod lang talaga ako ngayon.

Pero bawal mapagod. Bawal huminga.

Kahit subukan mo masasakal ka lang sa mga bagay bagay.

Tama na. Sobra na.

Gagi. Kahit ilang sems ko na sinasabi yan di din naman ako tumitigil.

Baka may choice.

Baka pwede.

Baka may escape.

Wala.

Hai. Hahanap na lang ako ng paraan.

Hinga.

No comments: