- After n iterations, nakaescape na ko sa nakamamatay, never-ending time loop ng END OF THE WORLD.
MABUHAY!
Simula ng dumating ang 2015 puro pagpapala ang nakamit ko maliban na lamang sa sakit, sa inip, sa agit na paghihintay ng mga grado. Pero ngayon, okay na. Nagbubukas na ang maraming daan patungo sa kinabukasan. My future is HD again. At siguro, hindi naman makasasakit kung mag-iisang round pa ng pagbabalik-tanaw.
2013. Kung mapapansin mo, hindi ako sumulat ng pang-2013. Ganoon ko na lang siguro siya kagustong ibaon at makalimutan. Sa bagay, parang ulit lang din siya ng 2012. Ulit-ulit. Ikot-ikot. Dahan-dahan. Hindi ko namalayan, nagana na pala ulit ang Great Depression sa loob ko. Para bang hinoholocaust itong damdamin ko. Bugbog sarado ang pagkatao ko. At kumapit na lamang ako sa bagay na hindi ko nakikita. Hindi ko nga alam kung meron talagang nasa mga kamay ko noon basta hindi ako bumitaw, malapit na, pero hindi ako bumitaw.
2014. Ang taon pagkatapos ng peak ng Dark Ages. Unang bahagi nito, wala. Wala akong maramdaman. Hindi ako masaya, hindi ako malungkot, plain lang. Nagiinarte sa love life pero chaka lang talaga. Bukod doon, naiisip kong tumakas sa ibang lugar. Handa na ko noon eh. Kung hindi nga lang naman ako nilindol ng pagkagulat nang makita kong biglang pumasa ako sa lahat ng subjects ko. Himala. May plano na talaga ako pag bumagsak ako, yun lang pag pumasa, wala pa. Basta ang sign na hiningi ko ay iyon at binigay ng hindi ko inaasahan. At doon, ako'y nangamba. Hindi ko din masasabing masaya ako kasi nalito nanaman ako. Ngunit, ang mga tala na ang nagsabi na pumasok ulit ako sa time loop at humanap ng ibang exit. At alam mo ba? Kahit na karamihan ng subjects ko ay katulad lamang ng kinuha ko noong nakaraang taon, iba ang naramdaman ko. Bahala na. Hindi ko na inisip ang ending basta ang alam ko masaya ako. Kahit na lahat ay luma, lahat ay bago. Ang gulo pero ganoon eksakto ang nararamdaman ko. Noong unang bahagi ng semsetre, oo, naging malungkot ako dahil sa mga alitan at mga problema pero sa tingin ko, naging bahagi siya kung bakit ako tumibay ngayon. Iyon nga lang, kahit na naging independent ako, sa tingin ko, mas naging makasarili ako. Hardcore! Alam mo iyong gumagawa ako ng mga bagay hindi dahil kailangan, kung hindi dahil gusto ko at masaya ako. Nagbago bigla ang pananaw ko. Hanggang sa matapos ang taon, masaya talaga ako iyon lang.
2015. Happy New Year. Oo, Happy. Sobrang saya ko ngayon. Hindi ko na masukat. Okay iyong grades ko. Okay na okay! Hindi ko na nga alam kung makatarungan pa ito. Kasi, naging habit ko nang matakot maging masaya. Sunod-sunod ang blessings, sana hindi maubos. Oo, sabi ko bahala na kung ano lumabas. I mean, kung bumagsak man ako, tatanggapin ko kasi naging masaya naman ako. Pero wala din akong plan B in case bumagsak ako ngayon. Bahala na. Buti na lang hindi nangyari, sobra sobra pa.
Sana hindi na ulit ako kainin ng wormhole. Sana tuluy-tuloy na ang aking paglalakbay. Kung may gusto man akong i-time travel, gusto ko iyong patungong future, hindi sa past. Kahit na sana suicide ang subjects ko ngayon. Sana maging masaya ako at maging worth it lahat. At iyon, natutunan kong correlated ang happiness at productivity. Kitang kita naman.
2012. 2013. 2014. You are officially done. Closed. Concluded. Credits.
2015. Here I come. Let us be friends.
No comments:
Post a Comment