Wednesday, December 3, 2014

Titanic: After 2AM (Part 12)

Minsan pagkatapos ng ulan, nagkakaroon ng bahaghari, o kaya nama'y nagkakaroon ng flash floods. Minsan naman, sabay.

Ang hirap. Alam ko nag-ooverthink ako, pero ganoon talaga ako. Hobby ko na lang ang mag-ipon ng happy crush at kumota araw-araw. Umaasa nga ako na sana sila na lang talaga yung tunay kong gusto. Problem is hindi talaga, as of now.

Ang hirap talaga. Alam mo yung feeling na parang iniiwasan ka ng tao pero baka overthinker lang ako at hindi talaga pero the struggle is real. Gusto ko na talagang pigilan sarili ko. I mean nagagawa ko na siya I think kahit papaano externally pero internally, hindi ko pa din kayang pigilan sarili kong isipin ka. Ngayon nga iniisip ko kung pupunta ako sa iyo. Most likely, oo. Tapos, ano na? Ewan ko.

Napakalaking distraction sa finals week. Haha kasalanan ko naman. Pero sana sa sembreak may mangyaring kanaisnais. Bahala na. I allow myself today to have impulsive decisions.

Pero wait, may isa pa akong bagay na inooverthink. Ngayong linggo kasi, parang may instances na bumabalik yung microfeelingsko sa dati. Akala ko sa sarili ko tapos na talaga iyon. Nakakatawa. Hindi ko alam kung hindi pa talaga ako nakakamove on tapos ikaw iyong ginawa kong panakip-butas, o sa kagustuhan kong makaget over sa iyo ay ginagawa ko siyang panakip-butas. Actually, eitherway ayaw ko. Gusto ko na lang maging halaman. Gusto ko magkaroon ng normal kong gusto. Gusto ko na lang talaga gustuhin yung happy crush ko.

Kaso hindi talaga ngayon.

No comments: