Tuesday, July 30, 2013

Pritten Shoes

Nakakainis.

Yung mga taong halatang halatang nagbago ng pakikitungo sa iyo at di mo alam kung bakit. Matapobre ba ako? Masama? Di ba sapat ang paggalang ko? Boring ba ako? Stupido? Ano?


Naaalala ko pa kung paano niyo ako tanggapin nung una. mapanlinlang. anong nangyari? pakiexplain nga?! di ko kasi gets eh. basta medyo sure ako na wala akong intensyon na kung anong masama sa inyo.

Nakakatawa nga eh. ang proud proud ko sa inyo dati. nakakatawang isipin idolo ko pa man din kayo at lahat. nakakatuwang isipin ang mga panahong nayayakap ko pa kayo at nalalapitan ng walang alinlangan. Di ko din mapagkakaila na isa kayo sa dahilan bat di ako nagdefer nung app ako. kasi nakahanap ako ng comfort sa inyo. tapos gaganituhin niyo ako? ano bang kasalanan ko? kung may problema kayo sakin pagusapan natin di ung pagusapan ako sa likod di ba? Ayaw ko ng ganun eh. Isa akong seryosong tao at isa kayo sa mga sineseryoso ko. Ngayon, medyo nanghihinayang na ako sa mga ineffort ko noon. Yung lahat ng panahon na inubos ko.

Pag nagkikita na lang tayo ang awkward na lang. E ang dalas pa naman natin magkita. Ang labo niyo kasi. Kayo tong matatanda tapos kayo tong ganyan umasta sa mga mas nakababata. Kung ito'y isang katuwaan di kayo nakakatuwa.

O bukod dun ung ibang taong kalebel ko lang pero di ko magets bat ganun. Jinujudge niyo ba ako? Mapangmata. Magtanong nga kayo lilinawin ko naman eh. Hai. Ang insecure ko lang pero kasi antagal ko na napapansin.

Siguro nga wala akong kwentang tao sa paningin niyo pero knug sakali, di un sapat na dahilan para alipustahin niyo ako. baka kasi namimisjudge niyo lang ako. di naman talaga ako masamang tao :( at wala akong hangad mang-alipusta. at basta makaramdam ng onting hiya o takot hirap na akong tanggalin un. Kapag minsan lumalayo ako, un ay dahil nahihiya ako o natatakot sa iniisip niyo. ganun lang.

Matagal ko din itong di pinapansin, baka kasi mali ako. Baka din ako lang din nagiisip hanggang ngayon. pero sana talaga malaman kong okay naman at bumalik yung sigla. sana malaman ko na di ako nagkamali noon sa pagkilala ng mga tao.

I used to care for you people a lot and i still do :( but i dont know what happened to us. and this might be stupid. and i might just be overthinking but so what :( i have to say this to release all the anxieties ive been keeping for some time now :( some anxieties that you majorly caused. the reason why im scared more. the reason why im like this losing all my confidence and feeling like being trapped in a cell unable to escape.

Well, its fine if you dont care, but in case you do, im asking for a little help :(

help me work things out :(

No comments: