Sunday, August 25, 2013

Usapang Baligtad

so sabaw ako as in right now. at eto ay glimpse ng isang conversation ko na ganto ang state ko. may parts na inedit ko para makuha ung point. tinanggal ko din ung part ng kausap ko :))


:))))))))))))))
alam mo
ang kabaligtaran ng 14
ay 41
ibig sabihin nun
wala lang

alam mo ba na
pag binaligtad ang kaye
ay
eyak

may tanong ako
kapag binaligtad ang sunny side up
sunny side up pa din ba to?
seryoso kasi

alam mo ba na pag may baso ka na may lamang tubig na hinaluan mo ng salt at sugar
at binaligtad mo, matatapon ung laman XD

ganun din kahit walang salt at sugar.
seryoso
try mo

pero alam mo pag binaligtad mo ung
tapat
tapat pa din

at ang kabaligtaran ng :) ay (:
hindi :(

pero nagcocoexist lahat ng magkabaligtad
if theres something wrong
theres something right
if theres something right
theres something left
if theres something left
theres something gone

at matagal ko nang iniisip ano kabaligtaran ng isang number
lets say 2
is it -2
or 1/2

pero narealize ko na ang pagbabaligtad
ay parang pagsukat
may standard
so pag nagbaligtad ka ng something, may with respect to what.

titigil na :)