Tuesday, January 1, 2013

Guilty Gear

Happy New Year! Sagutan ko lang ulit. I'll be as honest as possible.

RULE 1
You can only say Guilty or Innocent.



RULE 2
You are not allowed to explain anything unless someone messages you and asks!



Now, here's what you're supposed to do... And please do not spoil the fun. Copy and paste this into your notes, delete my answers, type in your answers and tag 20 of your friends to answer this. Then see what happens.



--
Asked someone to marry you?
-innocent

Kissed one of your Facebook friends?

- guilty

Danced on a table in a bar?
- innocent

Ever told a lie?
- guilty
Had feelings for someone whom you can't have back?
- guilty

Ever kissed someone of the same sex?
- guilty
Kissed a picture?
- guilty

Slept in until 5 PM?
- guilty

Fallen asleep at work/school?
- guilty

Held a snake?
- guilty

Been suspended from school?
- innocent

Worked at a fast food restaurant?
- innocent

Been fired from a job?
- innocent

Done something you regret?
- guilty

Laughed until something you were drinking came out your nose?
- guilty

Caught a snowflake on your tongue?
- innocent

Kissed in the rain?
- innocent

Sat on a roof top?
- guilty

Kissed someone you shouldn't?
- guilty. 

Stalked someone?
- guilty.

Sang in the shower?
- guilty.

Been pushed into a pool with all your clothes on?
- guilty. 

Shaved your head?
- innocent

Slept naked?
- innocent

Had a boxing membership?
- innocent

Made a boy/girlfriend cry?
- guilty

Been in a band?
- guilty

Shot a gun?
- guilty. 

Donated Blood?
- innocent. 

Eaten alligator meat?
- guilty.

Eaten cheesecake?
- guilty. 

Still love someone you shouldn't?
- guilty. 

Have/had a tattoo?
- innocent. 

Liked someone, but will never tell who?
- guilty. 

Been too honest?
- guilty. 

Ruined a surprise?
- guilty.

Ate in a restaurant and got really bloated that you can't walk afterwards?
- guilty 

Erased someone in your friends list?
- guilty. 

Dressed in a woman's clothes (if your a guy) or man's clothes (if your a girl)?
- guilty. 

Joined a pageant?
- guilty

Had communication w/ your ex?
- guilty. 

Dating Someone?
- innocent. 

Get totally drunk one night and you have an important exam tomorrow morning?
- innocent. 

A total stranger treat you by paying your jeepney/tricycle fare?
- guilty

Get totally angry that you cried so hard?
- guilty. 

Tried to stay away from someone for their own good?
- guilty. 

Thought about suicide?
- guilty.

Thought about murder?
- guilty. 

How bout mass murder?
- guilty. 

Tried illegal drugs and the like?
- innocent. 

Rode on a stranger's vehicle?
- guilty. 

Been so drunk that you forget things that happened while you were intoxicated?
- innocent

Had a girlfriend/boyfriend?
- guilty

2012 ni Summer Choi

Isang Fruit Punch na Naka-Dubstep Remix




Marahil. . .



Marahil hinati-hati ang panahon sa isang taon upang maipakita mabuti ang pagkakaiba ng mga ito. Kumbaga, kada tawag dito, sa tuwing maiisip mo ay magbibigay ng iba't ibang emosyon sa iyo. Kasi, katulad ni Mother Earth, tayo din, may seasons.

two-zero-one-two 

Lampas dalawang taon ko na yatang naririnig sa isip ko ang awitin ni Jay Sean pero hindi lubos maisip na magiging ganito ka-EPIC ang taong ito.

OO! Madalas, ako, pag magbabagong taon, gusto ko pigilin ang oras na tila ba laging may kulang. This time, it's different. I've never been so contented. Handang-handa akong tanggapin si 2013 kahit nung di pa December 31.

Eto na.


SPRING WALTZ


Mga bandang January, February, March.

Everything looked so fresh. Puno ng pag-asa. Nag-uumpisa magbukas ang mga opportunities ngunit hindi ko lahat grinab. Nag-aral ako mabuti dahil ang plano ko nun, nakadepende sa appreciation ko sa EEE 35 ang pagtuloy ko sa DSP at syempre ayaw ko maulit yung unang 2nd sem ko noon. 

Umikot lang ang mundo ko sa aral, labas with friends at mga org. Mayroon ding kaunting inspirasyon at ekspirasyon pero natatawa na lang ako ngayon pag naiiisip ko. Wait, ulitin ko, friends, OO, friends, etong grupo ng taong to na naging mas involved ako ngayong taon. Kapag tinuloy mo pagbabasa magegets mo. Itago natin sila sa pangalang "berks". Eto yung start na naaattatched ako sa kanila at akala ko kaclose ko silang lahat. Well, iba naman sa kanila ay tunay na kaibigan.

Tapos, may chance ako tumakbo. Gustuhin ko man tumakbo sa Circuit di ako nababagay haha. Sa EEE pero it's not my thing eh. Sa Angkan naman pinipilit ako pero may nakalaan na kasi akong plano at may nangyari. Muntik na akong tumakbong Chairperson pero nagkaproblema ako.

EEE Days. (tapos nag-aaral ako nun kasi kinabukasan exam sa EEE 23.)
UP Fair. (Nagulat ako sa bidder ko. At may backstage pass ako. At may tinulungan akong magtapat.)
Talahasaan. (Tech Head ako pero same day siya sa EEE 23 exam na binanggit ko above)
Exams kada week. Gala kada Exam. (pinakapariwara at pinakapalaaral kong sem, both at the same time)
Debut ng friends. (isang close friend at iba pa na nalagpasan ko)
Batch rep. (may duties, alam ko di ako nagfail dito masyado)
Advance Street. (start ng career. workshops. met the dance community. quite.) 
No Trees. No Kwarto. No Sinking. (Best academic sem so far)
Royal Flush. (Ayaw ko sana sila umalis. Idol batch.)
Gay friends. (Madami akong nalaman sa iisang season)

*ibang detalye basahin na lamang ang ibang blog post*


SUMMER BLUES


Mga bandang April, May, June.

Mainit . . . ang laban. Naging mabunga ang lahat ng pinagpapaguran. Nagpagupit ako. Hinarap ang ikalawang Summer ko na di kagaya ng 2011. Ngayon, may laban ako. Napili akong mag-app head at pumili ako nun ng assistant. Tapos, plano plano at sinusubukang magtiwala sa lahat. 1st time eh. Hanggang sa magsimula ang klase at hinarap ang daang mga interesado nang di ko inaasahan. 

Tapos ayun. Mga bagong kaibigan sa CWTS. Iyon na marahil ang highlight ng summer ko. Clingy na team, ang Cliffhangers. Di nagsummer karamihan sa berks. Pero mas nadevelop naman ang friendship namin ng Eng 10 classmate ko. 

Everything went well, too well that I didn't foresee what will happen next. Natakot na lamang ako at the same time ineenjoy ang pagiging nasa rurok ng saya. Kasi baka bigla na lang matapos. 

EEE Grad Party. (Syempre volunteer ulit ako at nalulungkot dahil 07 ang gragraduate)
Engg Commencement Exercise. (Volunteer ulit ako. Sakit sa Paa. Sakit sa damdamin.)
Camping. (INTENSE! Sakit sa ulo. Best Team.)
Advance Reg. (Kasama na din Interackt. Met freshies.)
Eng 10 Final Paper. (EEE 35 related. pinakita pa ni ma'am sa 1st sem class niya at fave niya daw.)
Frisbee. (the sport of the season!)
Epic Mafia. (the game of the season!)
Opening Week. ( Bagong venture sa dancing career. andito din ako last year. aktib buong week!)
App process. (takot ako nito pero TIWALA!)

*ibang detalye basahin na lamang ang ibang blog post*


FALL FROM GRACE


Less than back slash three.

Bandang July, August, September.

Sinama ni Habagat ang bagyo ko paalis ng Pinas at iniwang wasak kung ano mang natitira sa akin. Isa lang naman yun, 12A. The rest? fell apart. Ang FALL ay short term ko for DOWNFALL. 

Literal din akong bumagsak. EEE 41. Subject na pinakanag-aral ako buong buhay ko pero wala pa din. Kasi it has attacked me by my weakness. Akala ko nga pati EEE 43. Akala ko nga wala akong ipapasa. Umiyak pa nga ako sa speech ko sa Comm 3. Nagkandalito ng pananaw dahil sa Panpil 12. Pero no excuse.

Sports, lahat kinuha na pero may mga pinagtalunan ako within. Nafrustrate lang ako lalo sa basketball at volleyball kasi ngayon lang ako nagumpisa maglaro kaya di talaga ako marunong. Sorry na ha. 

Org. Inalay ko na lahat-lahat sa Circuit at di ko na masyado inintindi ang iba pero nagbigay pa din ako ng kaukulang panahon sa pagiging Fin ko at Exte sa ibang org. Nag-aaply sa IECEP. Kasama magtayo ng UP ITTC. Pero walang katumbas tong dedikasyon ko sa app process eh. Apps na lang ang nagpapasaya sa akin kasi nadepress din ako nun sa mga nakatrabaho ko. Di ko na alam anu gagawin. Ano bang naging kulang sakin? Di niyo ba nakikita efforts ko? Bakit di niyo sinabi nung una? Bakit nagkakaganito.

Friends? ano yun? nawalan na ako ng friends. Meron siguro pero nabulag na ako. Masyadong nag-allot ako ng panahon sa pag-alam ano nga bang lugar ko sa berks at pilitin. Di ko na nakita ang ibang mas tunay kong kaibigan. Sayang lang ang oras. Wala, naging invisible ako. Di ko na nafeel nag-eexist ako. OP na OP talaga ako. Walang kwenta. 

Confidence level? negative. WALA NA! Wala nang natira sakin. Ubos na. Wala na akong maipagmamalaki, wala pa makapitan, wala malapitan. tawag ko dito dark ages. END OF THE WORLD. 

Apps na lang talaga ang tanging kaligayahan at strength ko.

Iskooperation. (naging masaya akong tumulong sa iba at masaya ako sa kasama ko.)
Divwars. (Sakit sa ulo pero may mga realizations)
Engg Cup. (Apat na sinalihan, basket volley table lawn, lahat 4th place)
CVL. (go lang, training skills)
Binondo. (masaya ako nito eh. daming bago.)
UP Plays. (masaya manuod ng lahat. DUP at UP Rep)
Mercato times. (sila lagi kasama. masaya naman ako.)
2011. (new close friends)


WINTER BOOGIE



Bandang October, November, December.

Nakakalimot na din. Nagububukas para sa susunod na tagsibol na darating. Ginawa ko ang lahat out of frustration. Umasa. Nagmove on. Gustong bumawi. 

Kinausap ko ang mga kaclose ko sa berks at made sure na true friends sila. I kept my non-berks friends closer. I gave myself to get to know and try to be close to my not-so-close berks friends. I took the courage that I can't gather before. I've done things I never thought I would.

Taglamig. Kinalimutan ko na ang sakit, ang pighati, ang pait. THIS IS MY SEASON. No one can stop me. I'll do what I want to. 

Natakot ako sa mangyayari nung una. Pero naging handa akong harapin. Andami kasing bago at unexpected na plano. Muntik na ako magshift pero sa EE. Mga pagbabago sa Memdiv na dati iniisip ko sana makasanayan ko. Game face on sa acads. Hello 20 units! Gusto ko talagang bumawi. 

Go Engg week! Awitan! Indakan! Dulaan! Muntik pa akong magJammeng! ALL-OUT! Napagod ako, pero masayang pagod. Ubos ang pera kahit magbenta, pero masayang pulubi. May tatlo pang exams.


Awitan ay isang experience na di ko na din pinalagpas kasi baka huli na din. Bibitaw sana ako kasi mahihirapan ako pero kulang kasi ng members. At napamahal na ako. At naiinspire ako ng aming conductor na saksakan ng bait. Napaluha naman ako nung araw ng awitan kasi halo-halong feelings na. Una yung di pagkakaunawaan ng umaga at syempre ang pagkatalo. Di yung sa pagkatalo eh. Feeling ko di namin nabigyan ng justice yung kanta. Pero di bale na, napuno na lang ako ng pag-asa. Umiiyak habang tumatawa. Birthday ko pa naman nun.


Indakan talaga ang pinakatampok sa akin kasi iyon ang birthday gift ko sa sarili. Di ko lubos akalain na aakyat ako sa stage para sa ganoong akto at papaligiran ng ganoon kadaming tao. Maririnig mo ung cheer, yung love, yung saya magperform. Nung umaga pa naman yun nanggigigil pa ako sa nangyari sa Awitan. Tapos may mga di pa ako alam na steps kasi may binago pa last minute. Mali pa yung napasang music. Pero keribels. Bawi lahat. Worth it lahat. Yung gastos. Yung oras. Andun pa yung bestfriend ko nanonood. That's all I ask for. Best birthday gift ever.

Nung nagbakasyon naman. Di ko inexpect na madaming magbabalik na mga tao mula sa nakaraan. may mga magpapasaya, may mga mananakit lang. May mga bagong nalaman ako, may umuulit lang. May mga tanong na nasagot, may mga tanong na natira. Basta para sa mga tao ng Christmas break ko, tignan natin sa 2013 kung saan tayo aabutin. Alamin natin kung anu gusto natin. Highschool friends, di ko kayo pababayaan mawala. 

May mga bago ding tao na dumating. May mga di mo pa malaman ang pakay. May mga takot lang ako harapin. Mga bagong experiences. Mga nagpapakulay ng buhay ko. Mga bibigyan ko ng tiwala.

Tapos, nilunod sa memdiv work ang sarili. kausap sa alumni, sa graduating, sa resident mems, sa VPs. Sige lang. Gusto ko to. Gusto ko din ipakita gaano ko kagusto.

Ang Disyembre ko ay sadyang naging makulay dahil sa mga tao. May mga nakaaway ako, nakatampuhan, nakabati, minahal, iniwan, nang-iwan, pinasaya, nagpasaya, nakilala ng lubos. Halo-halong emosyon. Madalas umiiyak na lang ako pero di ko na alam dahil ba sa tuwa o sa lungkot. Ewan. Basta sabi ko sa sarili ko do more expect less. Hinahanap ko ang dating ako na nawala nung dark ages. Actually, better.  

Dulaan. (sayang di nakapasok. nageffort pa naman kami sa script)
2010 Dinner. (dapat matuloy no mater what happens.)
Trainings. Rehearsals. (di ko alam lagi silang di sabay until nung huling week. nagcram parehas sa pyesa.)
Nitrogen Gala. (yeah, yang mga pagpupumilit ko sa mga taong sumama matuloy lang.)
Pressure. (sa sariling mga kagustuhan. itutuloy ko ba? titigil ba? ewan.)
End of the World. (Gusto ko nang mag-end ang end of the world. nakapag-isip-isip din)
Bye 2012. (okay lang)


2013 ni Kiann Rhymes


In general naman ng 2012, masaya ako. I mean, part na din yung mga downfall kasi sila ang mas nageemphasize ng saya.

Madami akong natry na bago. Madami akong new experiences at yung iba ba di ko akalaing kaya ko pala. Nafeed ko lahat ng major desires ko, pagsayaw, pagkanta, paghead at pakikipagkaibigan. Mistakes done, lessons learned. Madami pa! Solb na solb na. kuntentong kuntento na ako. Ito ang unang Dec 31 ko na wala na akong hinihintay na naiwan o kulang sa 2012. complete package.

Dahil sa 2012 na extremes, di ko na maimagine ang 2013. I can't wait :)

Basta sa 2013, mag-iipon pa ako ng kaunti pang courage just to do what my heart desires. May mga plano na ako na parang mga logic gates at puno ng IF-THEN statements pero haharapin ko pa din ang 2013 with less doubts. Bahala na. Kung saan man ako dalhin ng agos. Kung saan man ako abutan ng countdown. Kung saan mang season next year ako maubusan ng sasabihin. Bukod doon, di ako titigil. In case, dumating yung time na mawalan ako ng pag-asa at malito ulit, sana mabasa ko 'to at maalala kung paano ko sinabing kakayanin ko.

Kung binasa mo lahat at umabot ka talaga dito. Congrats. Di ka nabore. Ito na yata pinakamahaba kong post ever. Biruin mo naman kasi, isummarize ang isang buong taon. Sorry kung may di ako nasama or may hindi ako nabanggit. Ipaalala mo na lang sakin. Di naman sapat ang isang blog post para i-contain lahat ng nangyari. Pero sabihin mo lang. In case mabasa ko kasi in the future, gusto ko maalala ang epic year na ito at kung mas may eepic pa ba na iba. 

Kung meron man, sana maging part ka non.