Sunday, August 26, 2012

Cell Division


"Kung kaya ko lang hati-hatiin katawan ko and be in many different places all at the same time, I already did."

Sabi ko sa huling fb status ko.


Pero kung iisipin talga wala namang pumipilit sakin gumawa ng kahit ano. Wala din naman akong hinahabol na kahit ano sa buhay ko. Bakit pa ako tanggap ng tanggap ng trabaho?

Haha. Naisip ko lang biglang magblog kasi lahat ng pinagkakaabalahan ko ngayong semestre ay biglang nagparamdam. Humahanga na ako sa angking kakayahan sa ganitong mga bagay dahil minsan ni ako, nagtataka paano ko napagsasabay-sabay.

HAHA! Workaholic talaga ako no? Hindi ko lang sure paano pwedeng mangyari na workaholic at tamad ang isang tao at the same time. Basta, alam niyu na un.

Sabi nila, mas mabilis daw tayo mag-isip kaysa gumawa. Maaaring madami nang dumaan sa isip ng isang tao bago pa gumawa ng isang bagay. Hmm, anu-ano nga ba mga iniisip ko ngayon?

Ngayong sem, app process pa lang ng org ko ay isang multitasking event na! Tapos may 3 other orgs pa ako na di biro maging member. Fin ako sa isa Exte ako sa isa! Tapos, aplikante pa ako sa isang org at nagfoufound pa ng isang org this sem! Volunteer pa ako sa EEE at volunteer kung saan-saan kailangan! May acads din ako! Kaya di excuse sa akin ang mga ginagawa niyo kasi di ko ginagawang excuse ang mga to sa mga ginagawa ko. Iniischedule ko sila at ginagawang independent of each other.

Haha. Di ko talaga minsan matake ang reklamo pero kelangan maging maintindihin. Hindi ko minsan matake na magdelegate tapos hindi magawa pero kaya ko din namang mag-isa. HAHA. Yun ung dapat matutunan ko this sem eh and I'm trying. Yung magdelegate, hayaan ang iba gumawa fairly, bigyan sila ng chance, tiwala. Ako? Dapat matuto maghintay sa iba at magtiwala pa lalo.

Oo nga naman, paano na kung dumating na talaga yung time na di ko na talaga kaya? Kelangan magets naman ng iba un.

Bukod sa app process na pinakainiikutan ng mundo ko this moment at di ko malaman paano maeencourage ang members na magparticipate more because of passion. Iniisip ko din sa isa kong org kung magstep up ako sa trabaho kasi so far ang bagal ng usad at walang gumagawa na maaaring ikabagsak ng org. Pero that may mean na biglang magtake ako ng more load at baka mamaya ako na lang yung asahan. Ayaw ko din naman ng ganun.

Wah! Ang OC ko naman. Hmmm, basta masaya akong gumagawa with enough inspiration at enough tiwala ng mga tao sakin, gusto kong tanggapin.

Ayun pa. :( Gusto ko tanggap ako ng mga tao at gusto ko masaya ang iba sa ginagawa ko. :( Walang point kung walang natututo or walang nasisiyahan. :( Kapag di ko makita yung mga hinahanap ko, madalas nawawalan ako ng gana magtrabaho. HAHA! Ang simple na nga lang ng gusto ko sa buhay, ipinagkakait pa no?


Dito ako masaya. Gumawa ng mga bagay na nagpaparamdam sa akin na "I exist". Ito ang mga bagay na nagpapakita sa akin na may worth ako, so bakit ko iiwan?


Kung sa dedikasyon lang, di ko alam kung may papantay pa sakin, ni trabahong ayaw ko, nagugustuhan ko din eh kung kailangan. :)