Ang dami nang nagyari simula nung huli kong pagdayo dito. Ayan, inaalikabukan na. Natatabunan na ng makapal na leyer ng magkahalong duda at tiwala. Napawi na ang mga luha ng oras at inanod na ang natitirang bakas. Hindi ko na naaalala lahat.
Ang pagiging bitter ko sa post ko na "bitter #6" ay parang isang katatawanan na lamang sa akin. Nilulon na lamang ako ng pag-aaral. Aral dito, aral doon, punta dito, punta doon. may pagsusulit kada linggo, tapos maikling happy happy tuwing makatapos. Ayun, pumasa naman lahat.
Tapos, madami pa kong nakilala ng mas malalim. Oo, nakakilala ako ng ilang mga taong ayaw kong bitiwan. Sana mabigyan pa ako ng pagkakataon. They're just too great and I'm nobody. How could i actually deserve such friends? Bahala na. Basta tiwala.
Haha. naalala ko bigla yung nangyari noong 2nd sem, yung season ng mga pagtakbo. Tatakbo dapat akong chairman ng angkan pero nagkalabuan kami nung exchairman kaya di na lang ako tumuloy. Anyway, alam ko namang di ako mananalo. Mas worthy ung supposed-to-be kalaban ko eh. Nakakainis lang ung yung point na may mga taong di nakakaintindi o napapangunahan ng galit. Nakakasira tuloy ng diskarte. Kaya kahit nung inalok nia ako ng pwesto sa exte, d ko tinanggap. (HAHA inaassume kong d nia to mababasa ever, pero if ever mabasa mo, sana naintindihan mo ung nararamdaman ko nun, alam mo namang mahal na mahal ko org natin) Sabi ko rin sa sarili ko. Kung di ko kayang ihandle ang isang tao sa org na to, panu ko pa kaya ihahandle ung buong org.
Tama desisyon ko. Buti na lang di ako tumakbo. Madami pa naman akong plano. Sa future. Basta bigyan lang ako ng pagkakataon. Basta bahala na. Tiwala.
Tama desisyon ko. Buti na lang di ako tumakbo. Madami pa naman akong plano. Sa future. Basta bigyan lang ako ng pagkakataon. Basta bahala na. Tiwala.
Iba na lang ikwekwento ko. SUMMER.
OO! Natakot akong mangyari ulit ang post na "Tuwing Umuulan at Kapiling Ka". Sino ba namang hindi? Simula nung alumni homecoming paranoid na ko eh. Pero d naman nangyari. Guess what? Natauhan din ako. Pero di ko alam kung legit na, pero basta, ang alam ko dormant. Or siguro malayo lang ako sayo nung bakasyon? Di ko talaga alam. Siguro dapat di na sayo umikot ang post na to as a start.
SUMMER. ibang iba sa last year kong summer. Di ako nagmajormajor so malayo ako sa calcu. Di ko kasi nakuha yung dose kaya nagEnglish10 na lang ako bukod sa milsci na naenlist ko. Napakasaya lang ng milsci! Sobrang saya na sana di na lang ako nagprerog ng ibang subject. Di ko na natutukan tuloy. Bakit pa ba ako nagENG 10? Ang cute cute nga ni maam, nakakalungkot na never akong nagpasa ng homework. (ang bait pa, pumasa pa din ako) Tapos ung huling week ng pasukan d ako pumasok ni isang araw at nagdance central na lang ako. Actually, may gusto lang akong maging classmate dun kaya ako ngprerog. haha.
Gusto kong gumawa ng bukod na paragraph para sa team mates ko sa cwts. ang CLIFFHANGERS. Bukod sa circuit, sila ang isa pang main company ko ngayong summer. (Duh, forever company ko ang CKT!) First day pa lang clingy na. Sila kasama kong maglunch araw araw. Tapos minsan, jog pa kami sa oval or gala gala lang. Kinokonsider ko na silang isang barkada ko. Sana, SANA, hindi lang hanggang summer yung samahan namin.
Ano pa pinagkakaabalahan ko? app process, volcor, mga laro. Yung supposedly summer games, naging summer frisbee na lang. Masaya naman. Tapos, nalulon ako sa paglalaro ng epic mafia. Basta kasabay nito ang nakikita kong pagbabago sa sa circuit. Isang mahabang tanong din sakin kung magiging aktibo ako sa iba kong org lalo na ang angkan. super friends ko kasi ang mga head at ineencourage ako mabuti.
Nasira ng tuluyan ang rhythm ko. Super di ko alam paano uumpisahan ang next sem gayong ganto ako. TEKA LANG! AYAW KO PA! DI PA AKO HANDA! Ayaw ko pa magumpisa ang pasukan at bihira to. Kadalasan, mas gugustuhin ko pang pumasok. Andami kasing dapat harapin bukas at sa tingin ko, hindi ko pa kaya. O baka naman may iba rason, baka di ako nakuntento sa summer ko kaya ayaw ko pang magpasukan. Baka di pa sya tapos. Baka may dapat pang mangyari.
Ano naman kaya ang kulang?