Pebrero sais dos mil dose.
Sa dinami dami ng nangyari ngayong araw, nagkandahalo-halo na ang aking nadarama dulot ng madami at iba't ibang mga bagay. Ano nga bang pangunahing sanhi ng aking pagkalumo?
nung sabado. . .
isang makabagbag damdaming pagtatagpo ang naganap sa pagitan ko at ng aking isang matalik na kaibigan a.k.a. ex (ata). Oo, sino pa ba. napadaan lang naman siya sa UP para sa isang proyekto kasama ang ilan sa kanyang mga kaibigan mula sa Beda. Nkaformal pa nga sila dahil galing sila sa isang hotel event at ako naman, nakapambahay, bongga! the point is, di naging awkward, amazingly, to think na ang huli naming pagkikita ay awkward moments ng nakaraan na tila ayaw ko nang alalahanin. Nayakap ko naman siya ng mabuti na walang halong malisya o kung ano man. basta alam niyo na ang ibang nangyari. the usual.
nung linggo. . .
nagpicnic, nakipagkwentuhan ng mga nakaraan na dapat talaga ay aral. may aral pa din naman eh. basta, dami ko biglang naalala. sumakit din ang ulo ko. magulo.
AT SYEMPRE NGAYON (NA TUNAY NA KATUTURAN NG POST NA ITO). . .
oo ngayon. . . .di ko nga alam paano umpisahan, umikot-ikot pa ako sa kung anu-anong araw na dumaan, wala namang relasyon ngayon, pinatagal ko lang talaga.
it all started nang gumising ako ng umaga at medyo madilim-dilim pa ang kalangitan. Para kanino ba ako bumabangon? Naisip ko para talaga mag-aral at harapin once and for all ang physics 73 second exam. target is a hundred percent pero ni pumasa para pa ding imposible gawin. nagkaroon ako ng study mates along the way pero nagdulot lang ito sa akin ng pagkatampo sa isang malapit na kaibigan. Ngayon lang talaga to, sori talaga, di ko sinasadya na minsan mafeel ko na di na katulad ng dati na mas madalas kita makasama, kasi nga may *ehem* iba na ngayon ang sitwasyon. Owel, understanding na lang.
tapos, aun exam na, nakakasabaw na tatlong oras ng buhay ko. malamang sa malamang, maniniwala na ako sa time dilation. eh kasi naman, bat di sapat ang mahabang oras sa isang exam na ganun, tapos ang hirap, bumigay talaga ako kasama nung dalwang bolpen na hiniram ko sa katabi ko. siguro nga may sumpa na ako sa physics exam, dapat titigil lahat ng bolpen na gamit ko.
so pagkatapos ng exam, ako nanaman, hoping, super. sana matuloy ang planadong dance central kahit walang laman ang wallet ko. pero isa-isa din silang nagback-out. naghanap na lang ako ng matinung kausap after exam pero wala talaga. Na-OP lang ako sa kanila. marahil isang uri na din ng pagtatampo. siguro dulot ung pagkaOP ko ng aftermath nila ng CWTS camp pero nakakainis pa rin talaga. so naglakad ako magisa sa initan galing NIP papuntang tambayan, still hoping na may makausap ako ng matino, habang sila, dumaan sakay ng kotse at binati ako. pinilit kong maglabas ng pekeng ngiti pero di ko din pala kaya. paluhang-paluha na ako nun eh. ayaw ko lang din namang umiyak.
pagdating sa tambayan, may mga nakatulong naman sa pagmimitigate ng kalungkutan ko. pero may mga taong hindi kasi napapanahon ang pagbanat. edi sila na ang may joke at ako na ang wala. pakialam ko ba. sori talaga pero ang iritable ko kanina. wala ako sa mood makipaglokohan sa harap ng mga tao. di ba pedeng sayo na lang pag-usapan? di ka naman pinapakialamanan ha. wala kasing ganyanan.
bat pa ba ako apektado. di ko naman siya gusto. pero ung fact kasi na sa harap ng mga taong involved sinasabi kahit paloko lang e ayaw ko kasi baka mamisinterpret. o baka wala lang talaga ako sa mood ngayon.
tapos, ayun, ako, ganun pa din, hoping. sana magiging maayos ang araw kaya nakisama sa kainan sa exe picnic. nakatabi siya. weird lang. pero okay lang.
i can feel the pressure
it's getting closer now
we're better off
without you
haist, sarap kumanta, sayang bawal bumirit, andaming tao. medyo okay na ako. kahit medyo parang sampler lang kinain ko at least libre na may lakip na libreng kaligayahan. kasa-kasama ko ang isa pang tao. bigla siyang dumating. wala lang naman. masama bang matuwa.
Medyo napawi na ang ilang pait na dumaan sa maghapon. ano nga bang dahilan ng aking pagkalumo? tampo sa malapit na kaibigan? tampo sa barkada? tampo sa mga pinagkakatiwalaang tao? exam? pagpigil ng nararamdaman? o etong dates, marshmallow at nuts na kinakain ko ngayon? feeling ko nalalasing na nga ako eh.
ayan na. uwian na. napuno muli ako ng pag-asa.
at sa paglalim ng gabi. . . .
matapos ang isang buong araw ng pagkauhaw sa pag-asa. . . . . .
may nalaman ako. . . .
at ang masasabi ko lang. . . . . .
sayang.